Chapter 49: Darker Than The Night

166 12 1
                                    

Andrea's POV

Dahan-dahang bumagsak si James at kasabay non ay ang pagkadurog ng puso ko. Lumuhod ako sa nakahandusay nyang katawan.

Niyakap ko ang katawan nya.

"James, James, gumising ka," tinapik ko ng marahan ang pisngi nito, umaasang magigising siya pero walang nangyari.

Hindi ito maaari. May paraan pa para magising siya. Tiningnan ko si mama at si Principal Climbdow na hanggang ngayon ay pinipigilan parin ang apoy na galing kay Gilbert.

"P-principal Climbdow, 'di ba time manipulator ka? Paki-usap pahintuin mo ang oras, ibalik mo ang oras na hindi pa nya ginagawa ang balak nya. I-ibalik mo ang oras na buhay pa s'ya, paki-usap,"

Nahihirapan man sa pagpigil ng bumubulusok na apoy ay nilingon pa rin ako ni Principal Climbdow.

"K-kaya kong pahintuin ang oras at ibalik ng panandalian ang mga kaganapan kanina Andrea p-pero hindi na non maibabalik ang buhay ni James," nahihirapan sa pagsasalitang paliwanag nito.

"H-hindi. Nagsisinungaling ka, maaari mong ibalik ng panandalian ang mga kaganapan kanina at maibabalik din non ang buhay ni James,"

"Andrea patawad. Hindi ko kayang gawin ang sinasabi mo,"

Tiningnan ko ng masama si madam Cynthia.

"Nasan ang bathalang sinasabi mo?! Hindi ba't wala!" nanggagalaiting sigaw ko dito.

"H-hindi ko alam k-kung bakit hindi pa nakakalaya sa katawan niya si bathalang Satur. H-hindi ko alam kung bakit," takang-taka ang ekspresyon ng mukha nya sa nangyayari. Kung hindi ko pa napapagtagpi-tagpi ang lahat ay marahil naniwala na ako sa kanya. Pero hindi. Alam ko na ang lahat.

"Itigil mo na ang kasinungalingan mo madam Cynthia! Walang bathalang nakakulong sa katawan ni James! Gawa-gawa mo lang ang lahat!"

"Hindi ko alam ang sinasabi mo Andrea. Totoong may nakakulong na bathala sa katawan ni James, hindi maaaring magsinungaling ang bolang kristal ko,"

"Kung totoo ang sinasabi mo, sige ipakita mo sakin ang dahilan gamit yang bolang kristal mo kung bakit walang bathalang lumalaya sa katawan ni James," hamon ko dito.

"Pasensya na Andrea, hindi iyon kayang ipakita ng bolang kristal ko,"

"Hindi kaya o wala naman talagang rason dahil wala naman talagang nakakulong na bathala sa katawan ni James?!" nanggagalaiting tanong ko.

"Andrea, maghunos-dili ka, hindi ko alam ang sinasabi mo,"

Napapikit ako sa galit dahil sa kasinungalingan nya.

Hinanap ko ang espadang itinapon ko kanina. Agad ko iyong pinulot nang aking makita pero agad din akong pinalipadan ng apoy ni Gilbert, nagawa niya iyon kahit na patuloy pa rin nyang pinapalaki ang apoy na syang pinipigil ni mama at ni Principal Climbdow.
Mabilis kong iniwas ang sarili ko. Tiningnan ko ng masama si Gilbert, muli ako nitong pinalipadan ng apoy, naka-iwas ako pero nadaplisan ako sa braso. Masakit iyon ngunit hindi ko ininda. Walang wala iyon sa sakit na dulot ng pagkamatay ni James. Mabilis kong sinugod si madam Cyntia na ngayo'y nakaluhod sa nakahandusay na katawan ni James at umiiyak. Matapos niyang ngumiti kanina nang ipag-utos nyang patayin ko si James ay nagagawa niyang umiyak ngayon. Akala nya ay mapapaniwala nya pa ako sa kasinungalingan nya sa pamamagitan ng pag-iyak.

She thinks that she's still playing her own game perfectly, but heck no, marahil ay noon oo. But now, I already solved her puzzle.

Itinapat ko sa leeg ni madam Cynthia ang espada. Nagulat ito, maging si mama at si Principal Climbdow ay nagulat dahil sa ginawa ko pero wala akong paki-alam.

X.O.S Academy: School for Extraordinary Strength User (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora