Chapter 22: The Long Lost Vestarian Soldier

350 20 6
                                    

Third Person's POV
"T-the long lost Vestarian soldier," nasambit na lamang ni Ella matapos tagkalin ang kamay na tumataklob sa kaniyang mata at nang makita ang lalaking nasa harapan nila.

"Ha ha ha... mamatay ka na, binata." sambit naman ng matanda.

"Kung mamamatay man ako, mamamatay akong lumalaban," sambit ng binata at inilabas ang kaniyang power wand.

"Kung lalaban ka James lalaban din kami," sambit naman ng dalagang si Ella.

"Tama," pagsang-ayon ni Rose.

"Matapang kayo ha, sige Xivlr patayin mo na yang mga yan pero 'wag mong gagalawin ang itinakda. Ako na ang bahala sa kanya,"

"Andrea, tumakas ka na. Bumalik ka na sa Academy," utos ni James.

"Pero ---"

Naputol ang sasabihin ng dalaga nang biglang sinugod ng tinatawag na Xivlr ang binatang si James.

'Agad na umiwas ang binata sa espadang ipinang-atake ng mandirigma.

"Frost Luxidos," sambit ng binata matapos maitapat ang kaniyang power wand sa mandirigma.

'Agad na nagyelo ang katawan ng mandirigma ngunit sandali lamang 'yon dahil kaagad ding natunaw ang yelong iyon.

Ikinagulat iyon ng binata kaya napatulala na lamang ito.

Isasaksak na sana ng mandirigma ang espada n'ya sa binata kaya agad na nag cast ng spell ang dalagang si Rose.

"Sufley Fabis,"

Biglang may kumapit na baging sa kanang kamay ng mandirigma na s'yang ipinanghahawak nito sa espada.

Napatigil ng saglit ang mandirigma pero naputol din agad ang baging at humaplit sa mukha ni Rose. Tumama rin ito sa mukha ni Ella na s'yang ikinaiyamot nito.

"Soleria Diggera,"

Nahukay ang lupa kung saan nakatayo ang mandirigma ngunit nakaalis agad ito sa kaniyang pwesto.

Natauhan naman na ang binatang si James.

Agad itong nakipaglaban.

Maging ang dalawang dalaga ang nakikipaglaban pa rin, ang itinakda naman ay nanonood lang at takot na takot.

Maswerte ito at hindi pa s'ya ginagalaw ng matandang hukluban dahil nawiwili pa ito sa panonood sa mga estudyanteng pilit nilalabanan ang pinakamagaling na mandirigma sa kasaysayan ng mga Vestarian.

Sa gusali naman ng X.O.S Academy ay nag-iinit ang ulo ng principal nitong si Sarina Climbdow dahil sa nakita sa tila hologram mula sa kaniyang power wand.

Magulo ang mga nakikita nito mula sa tila hologram na iyon dahil sa nasa dulo ng power wand ni James ang reality camera na nagpapakita sa kaniya ng mga nangyayari, ngunit nakita nito ng maayos sa tila hologram na iyon ang mukha ng isa sa mga propesor ng paaralan ng X.O.S, maging ang matagal ng nawawalang mandirigma ng mga Vestarian.

Batid nitong walang laban ang kaniyang mga estudyante sa mandirigmang iyon.

"Goneioumas," sambit ng punong gurong iyon.

Nawala na ang tila hologram na nasa ibabaw ng power wand nito.

"Sefles Prellium," muli nitong sambit at agad na tumigil ang oras.

Tama, s'ya nga ang time manipulator, kayang n'yang pahintuin ang oras maging ang mga X.O.S users at anumang bagay maliban sa kanya at sa mga ayaw n'yang maapektuhan nito. Subalit may hangganan ang pagpapahinto nito ng oras, 5 minuto lang ang maitatagal nito.

X.O.S Academy: School for Extraordinary Strength User (Completed)Where stories live. Discover now