Chapter 42: She's Okay?

186 10 3
                                    

Third Person's POV

"I'll forgive you if you'll bring us to Andrea."

Tumango si Ziel at hinawakan ang balikat ni James. Naglaho sila at isa-isang hinawakan ang balikat ng mga kasamahan ni James na hanggang ngayon ay nakikipaglaban pa rin kay Leila at sa mga kasamahan nito. Naghanda na si Ziel upang madala sila sa bayan ng Certania.

"Ziel, sintimis!" (Tigil, Ziel!) sigaw ni Leila pero tuluyan ng nakapaglaho sila Ziel.

Napadpad ang mga ito sa bayan ng Certania, sa mismong lugar kung nasaan si Andrea kanina.

"Hanggang dito ko na lang kayo masasamahan, tiyak na dinala na ng mga X.O.S user si Andrea sa ospital." saad ni Ziel.

"Humihingi muli ako ng tawad sa maling nagawa ko kay Andrea." dugtong nito at muli ng naglaho.

Nag-umpisa ng maglakad sila James patungo sa pinakamalapit na ospital.

Ginamot na rin ni Rose ang mga sugat nila.

Makalipas ang sandaling paglalakad ay narating na rin nila ang ospital.

Hindi mga doktor o nurse ang nasa ospital na yo'n kunndi mga X.O.S healer, hindi rin kung ano-anong aparatus ang makikita roon kun'di mga potion.

"Saan ang kwarto ni Andrea Raffit?" tanong agad ni James ng makapasok sila sa ospital.

"Room 105 sir." sagot ng isang babae matapos tingnan ang record na hawak n'ya.

"Thanks."

"Let's go."

Nagsimulang silang maglakad sa hagdanan paitaas at tinungo ang silid ni Andrea.

"Room 105, we're here." saad ni Glein.

Pumasok sila sa silid at nakitang nakahiga si Andrea sa kama. Wala pa rin itong malay, basa at may mga sugat.

"Anong nangyari sa kanya? Hindi pa ba s'ya nagagamot ng mga X.O.S healer." nag-aalalang tanong ni Ella.

"Pakitawag ng X.O.S healer guys. Susubukan ko s'yang gamutin habang tumatawag kayo ng healer." utos ni Rose.

Tumango sila Ella at lumabas.

Magsisimula na sanang gamutin ni Rose si Andrea nang bigla sumulpot si Leila. May mga pasa ito at may mga lupa lupa sa katawan.

"Leila?" bulong ni Rose.

"Sshhh.." saad ni Leila pagkatapos ay may inilabas na panyo.

Itinaklob n'ya ito sa bibig ni Rose. Nawalan naman ito ng malay at bumagsak sa sahig. Napangiti si Leila at ginaya ang wangis ni Rose.

Itinapat n'ya ang power wand n'ya kay Rose.

"Invistas."

Biglang nabalot ng invisibility shield si Rose dahilan para hindi s'ya makita.

Itutusok na ni Leila (na kawangis na ngayon si Rose) ang power wand n'ya sa dibdib ni Andrea nang pumasok sila James kasama ang isang X.O.S healer.

"Rose anong ginagawa mo?" tanong ni Ella.

"Ah... eh... ito?" paputol putol na saad nito sabay baba ng power wand.

"Ga-ganun kasi dapat ang posisyon ng power wand kapag manggagamot ka." dugtong nito matapos ibaba ang power wand.

"Miss, hindi gano'n ang posisyon ng power wand kapag nanggagamot. Lumabas na muna kayo. Ako na ang bahala dito." utos ng X.O.S healer.

Lumabas sila at umupo sa bangkong nasa gilid ng pader na malapit lang din sa silid na iyon.

"Bakit tuyo na ang mga damit mo Rose? 'Di ba basa yan kanina?" usisa ni Ella.

"Dryonexious spell. Tinuyo ko yong sarili ko. Bakit masama?!" saad ni Leila (Rose) sabay irap.

"Hindi." sagot ni Ella.

"Bakit may lupa lupa ka sa katawan?" usisa muli ni Ella. Nagtataka ito kung bakit nagkaroon ng lupa ang katawan n'ya gayong wala naman ito kanina.

"Bakit ka ba tanong ng tanong. Ano bang paki mo?!" saad ni Leila (Rose).

"Nagtatanong lang ako. Bakit ganyan ka kung magsalita. May itinatago ka ba?" tanong ni Ella.

"Wala, at wala akong dapat itago." sagot ni Leila (Rose).

"Yo'n naman pala eh." sagot ni Ella sabay irap.

"She's okay, gising na s'ya." sambit ng X.O.S healer na kalalabas lang mula sa room 105.

Nagsitayuan naman sila James.

Ibinuka ng X.O.S healer ang kanyang palad at lumabas doon ang kulay asul na potion.

"Pwede n'yo na s'yang ilabas, ipainom n'yo na lang ito sa kanya makalipas ang dalawang oras." sambit ng X.O.S healer.

Kinuha ni James ang potion at pumasok sila sa loob ng silid, naka-upo si Andrea sa kama at tila nakatingin sa kawalan.

- - - - - -

"You'll be staying in that dungeon for 24 hours," sambit ng punonggurong si Sarina.
"Guard Edward, siguraduhin mong hindi sila makakalabas." dugtong nito.

"Pero principal kagagaling pa lang po ni Andrea," pangangatwiran ni Ella.

"I don't care. Besides kailangang-kailangang maparusahan kayo dahil ilang beses na kayong sumusuway sa utos ko at sa rules ng academy." masungit na pahayag ng punongguro.

"Pero---" hindi na natapos ni Ella ang kaniyang sasabihin dahil biglang naharangan ng pader ang siwang na nagsisilbing munting bintana upang makita nila ang punongguro.

Napabuntong hininga na lamang si Ella dahil sa pagkayamot.

"Kasalanan mo 'to Andrea eh. Look? Sa'n ako ngayon matutulog? Sa sahig?" walang ano-anong saad ni Leila (Rose).

"Huwag mong sisihin si Andrea, hindi n'ya 'to kasalanan."

"Whatever, James." sagot ni Leila (Rose) at padabog na dumako sa dulo ng dungeon.

"Drink this." saad ni James at inabot kay Andrea ang asul na potion.

Tinagkal n'ya ang scarf sa kaniyang leeg at inilatag sa sahig. Hinubad din n'ya ang suot n'yang jacket at itinupi, ibinaba niya ito sa sahig para magsilbing unan.

"Lie down and rest." saad nito matapos inumin ni Andrea ang potion.

"Paano ka, paano kayo?" tila paanas na tanong ni Andrea.

Lumingon si James kay Ella.

"Huwag mo kaming alalahanin, sige na magpahinga ka na." sambit ni Ella.

Nang humiga na si Andrea ay umupo na lamang siya sa sahig at inubob ang ulo sa kaniyang tuhod.

Ganoon din ang ginawa ni Glein at James hanggang sa namayani ang katahimikan sa paligid.

- - - - - -

Yumuko sila Adil, Drejan at Fierylla sa harapan ni Gilbert matapos isalaysay ang mga nangyari.

"Nariyan na s'ya." sambit ni Sandra ng maramdaman ang presensya ni Ziel.

Itinuro ni Gilbert ang kanyang power wand sa likuran nila Adil.

"Deventrum." saad nito.
saad ni Gilbert ngunit hindi iyon narinig ng malinaw ni Ziel dahil bigla s'yang napapunta sa isang madilim na dimensyon.

Napalupaypay siya sa sahig.

Nakatanaw siya ng munting liwanag at unti-unti itong lumalalapit sa kaniya.

"Laizel?" bulong niya.

"Anak?"

Tila umalingawngaw ang boses na iyon sa buong paligid.

X.O.S Academy: School for Extraordinary Strength User (Completed)Where stories live. Discover now