Chapter 4: Is He Concern?

842 33 0
                                    

Andrea's POV

"Andrea, tara sa cafeteria, mamaya pa naman ang second subject natin," yaya sa akin ni Rose.
Kakatapos lang ng first class namin kay Professor Limetre.

"Sige," tugon ko.

Naglalakad kami sa hallway papunta sa cafeteria, kapansin-pansin na halos lahat ng mga mata ng estudyante ay sa akin nakatingin.

"Rose, may dumi ba ako sa mukha?" tanong ko sa kay Rose.

"Wala, bakit?" tanong naman nya.

"Halos lahat kasi ng mga estudyante nakatingin sa akin," paliwanag ko.

"Masanay ka na, ganyan talaga pagmaganda ang kasama mo, charot," pagbibiro nya.

Hinampas ko nga sya balikat nya.

"Bakit nga?" tanong ko ulit.

"Paanong hindi sila titingin sayo, eh nakikita nila ngayon ang anak ng pinakamagaling na X.O.S user sa buong extraordinary world," muli nyang sambit.

Gusto ko sanang itanong kung bakit naging magaling na X.O.S user ang mga magulang ko pero mas pinili kong wag na lang umimik dahil baka sabihin nyang napaka-ignorante ko naman.

Nandito na kami ngayon sa cafeteria, nakakamangha dahil mga maliliit na fairies ang nagbebenta ng pagkain dito sa cafeteria. Kusa ring gumagalaw yung mga equipment sa pagluluto.

"Anong gusto mong order?" tanong sa akin ni Rose.

"May normal bang pagkain dito?" tanong ko. Baka kasi pati pagkain dito hindi normal.

"Ano ka ba, puro normal ang mga pagkain dito," sambit naman nya.

"Ano bang o-orderin mo? Yun na lang din ang akin," sambit ko.

"Okay, your wish is my command,"

Baliw talaga, pero kahit ganyan yan she's my bestfriend now.

"Oww... look who's here?" lumingon ako sa likuran ko at nakita ko si Leila kasama yung lima nyang alalay.

"Nandito pala ang anak ng pinakamagaling na X.O.S user, pero sya, ignorante at walang kaalam-alam," dagdag pa niya.

Hindi ko na lang siya pinansin pero inilabas nya ang power wand nya at iniwasiwas ito at itinapat sa ibabaw ng ulo ko.

"Cloudous Rainicoulus,"

Bigla ko na lang naramdaman na unti-unti akong nababasa kaya napatingala ako at nakita kong may maliit na ulap sa tapat ko at patuloy na nagbabagsak ng maliliit at malinaw na tubig patungo sa akin.

Nagtawanan naman ang mga kasamahan nya.

"Bilib ka ba sa kaya kong gawin. Ganyan talaga kapag marunong kang gumamit ng power," sabay irap sa akin.

Kaya pala kanina pa nasakit ang ilong ko dahil sa kili-kili power nya, buti na lang at hindi extra ordinary yung body odor nya at hindi naaamoy dito sa buong X.O.S Academy.

"Goneioumas,"

Hindi ko na naramdaman ang pagtulo ng tubig mula sa aking uluhan.

Nakita ko si James sa may likuran nila Leila at hawak ang kaniyang power wand.

"Kayo, umalis na kayo kung ayaw nyong makarating pa ito sa disciplinary office!" galit na sigaw ni James kina Leila.

"Salam--" hindi ko na natapos ang aking sasabihin dahil nagsalita ulit si James.

"Ikaw naman, sa susunod subukan mong gamitin yang power wand mo upang ipagtanggol ang sarili mo," sambit nya sabay tuluyan ng umalis.

Eh paano ko magagamit yung power wand ko kung hindi ko alam kung paano gamitin yon.

"Anong nangyare sayo Andrea, bakit basang-basa ka?" nag-aalalang tanong ni Rose pagkatapos ibinaba yung pagkain na dala nya sa table.

"Wala, natapon lang yung tubig na dala nung mga fairy sa akin," pagsisinungaling ko.

Ayaw ko ng sabihin sa kanya yung totoo, may pagka-war freak kasi yang si Rose, pano nung isang araw sinabihan lang syang pangit ni Glein Clampson, yung isa sa mga kaklase namin eh halos mabugbog nya yun.

Lumapit sya sa akin at hinawakan yung kamay ko.

"Andrea, ang init mo, may lagnat ka yata," sambit nya.

Hinawakan pa nya yung noo ko.

"Ang init mo talaga, tara, sasamahan kita sa clinic," dagdag pa nya.

Pero bago kami maglakad inilabas nya muna yung power wand nya at iwinasiwas at itinapat sa aking damit.

"Dryonixus,"

Naramdaman kong tuyo na yung damit ko kaya napa-wow ako. Napangiti naman sya.

Habang naglalakad kami papunta sa clinic hindi ko maiwasang magtanong.

"Rose, bakit marunong ka nang gumamit ng power wand mo?" tanong ko sa kanya.

"Nakikita ko kasi sa parents ko dati kaya ginagaya ko kahit wala pa akong power wand kaya nung i-try ko kanina naging successful," paliwanag nya.

Siguro ginaya lang din nila Leila at James yung mga spell na ginawa nila kanina sa mga magulang nila.

"Nandito na tayo," sambit ni Rose.

Nasa harap na nga kami ng isang pinto. Kumatok siya sa pinto at pagbukas nung pinto bumungad sa amin ang isang babaeng maputi at may straight na buhok, mga 25 years old siguro sya.

"Howe cenea Na helperia mia?" sambit nung babae sa patanong na paraan. Sya yata ang nurse dito.

"Ano pong sabi nyo?" nagtatakang tanong ni Rose.

"Ah, pasensya na. Freshman pa lang pala kayo at hindi pa naituturo sa inyo ang Exorla language, tinatanong ko lang kung anong maitutulong ko sa inyo?" paliwanag nya.

"Nilalagnat po kasi yata itong kaibigan ko," tugon ni Rose.

"Ikaw si Andrea Raffit diba?" tanong nung nurse.

Hindi na rin ako nagtaka kung bakit alam nya ang apelyido ko dahil nga sikat daw ang mga magulang ko, pero ang ipinagtataka ko ay kung bakit alam nya ang first name ko.

Pinaupo nya ako sa isang bangko tapos inilabas nya ang power wand nya at itinapat sa noo at may ibunulong na kung ano pagkatapos nun naramdaman kung hindi na nag-iinit ang aking katawan. Binigyan nya lang ako ng gamot at sinabing wag na muna akong pumasok sa mga klase ko bagkus ay magpahinga na lang daw muna ako dahil baka bumalik daw yung lagnat ko.

Hinatid lang ako ni Rose sa dorm namin tapos umalis na sya kasi nga may klase pa kami.

Humiga na lang ako sa kama ko. Matutulog sana ako pero hindi mawala sa isip ko kung bakit ako tinulungan ni James dahil kanina naman sa room ang yabang-yabang nya.

Pero hindi din nagtagal nakatulog na ako.

•~•~•~•~•~•~•~•
Let me hear from you guys😊

Keep reading and enjoy!

Votes and comments are highly appreciated 😊

X.O.S Academy: School for Extraordinary Strength User (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora