Chapter 47: Saving Her

161 8 0
                                    

Principal Climbdow's POV

"Principal Climbdow, principal Climbdow,"

Napabangon ako dahil sa marahang pagtapik sa aking balikat. Tiningnan ko kung sino ang tumapik sa akin.

"Professor Samantha," saad ko ng makita ang alalang-alalang mukha niya.

"Pasensya na po, ipinatawag ako ni guard Edward dahil kanina nyo pa isinisigaw ang pangalan ni Andrea. Pawisang pawisan kayo principal," tugon niya.

"Hindi ko maintindihan, wala akong maalala sa panagini--.. Sandali! Si Andrea nasa panganib siya," sambit ko ng maalala ang aking napanaginipan.

"Pero principal Climbdow, hindi ba't ang X.O.S council body mismo ang sumundo sa kaniya kaninang umaga? Tiyak na nasa maayos na kalagayan si Andrea,"

"Oo pero gusto kong makatiyak. Sandali," mabilis na inayos ko ang aking sarili. Kinuha ko sa mesang katabi ng headboard ng aking kama ang aking power wand.

"Ihatid mo ako sa X.O.S Council Edifice ngayon din,"

Nag-aalinlangan man ay tumango din ito.

"Masusunod po," tugon nya at hinawakan ang aking balikat.

Agad kaming naglaho at nagteleport papuntang X.O.S Council Edifice. Nandito na kami sa labas ng edifice. Narito sa kabayanan ng Certania ang X.O.S Council Edifice, ang Certania din ang bayang sumasakop sa kinaroroonan ng X.O.S Academy. Pinagmasdan ko ang paligid, nakikita ko ito ng maayos dahil kabilugan ngayon ng itim na buwan. Payapa ang lahat pero iba ang aking pakiramdam. Pinilit ko itong huwag pansinin.

"Halika na Professor Samantha," yaya ko sa kanya.

Naglakad na kami papalapit sa edifice ngunit nakaka-ilang hakbang palang kami ng may sumabog sa may timog-silangang bahagi ng kabayanan. Napahinto ako maging si Professor Samantha. Napatingin ako don, napakalakas na pagsabog, agad na kumalat ang apoy sa kabahayan. Naging sunod-sunod ang pagsabog. Ang kapayapaan ay biglang naglaho, umingay ang paligid, narinig ko ang malalakas na panaghoy.

"Professor Samantha, halika na, magmadali tayo. Kailangan kong maka-usap ang X.O.S council body," sambit ko at nagmamadiling naglakad papalapit sa X.O.S Council Edifice.

Nakasara ang pinto ng edifice, kumatok ako kaagad ngunit walang sumasagot. Itinulak ko ang magarang pinto, katakatakang bumukas ito gayong palagi itong naka-lock.

Nakaka-isang hakbang pa lang ako ng may pamilyar na boses akong narinig.

"Sarina, wag kang papasok,"

Madilim sa loob ng edifice kaya hindi ko agad makita kung sino ang nagsalita. Maliwanag man ang itim na buwan ay hindi niyon nagawang bigyan ng kahit kaunting liwanag ang loob ng edifice.

Itinaas ko ang power wand ko at nagcast ng spell.

"Fierra Carlltei,"

May lumabas na bilog na liwanag sa power wand ko at lumutang ito sa ere. Nagbigay ito ng katamtamang liwanag sa loob ng edifice.

"Sabrina," pagtawag ko. Nakahandusay sya sa sahig, duguan at hinang-hina.

Nasa tabi niya ang dalawa pang X.O.S council body na si Nathaniel at Xandro, parehong walang malay ang dalawa.

Muli akong humakbang papasok sa loob.

"Sarina, makinig ka sakin. Wag kang papasok," muling babala niya.

Sinunod ko ang utos nya bagama't alalang-alalang ako sa kalagayan niya.

"Sinong may gawa niyan sa inyo Sabrina?" naiiyak na tanong ko.

X.O.S Academy: School for Extraordinary Strength User (Completed)Where stories live. Discover now