Chapter 16: What To Do?

349 16 1
                                    

Andrea's POV

Matapos naming sundan ang koala bear ay matagal-tagal pa rin kaming naglakad at promise pagod na ako kakalakad.

Bakit si Ella parang walang kapaguran.

Nakarating kami sa isang puno kung saan napakaraming koala ang nakaakyat.

Ha?

Tama ba yung sinabi ko? O ang tamang tanong, tama ba yung nakikita ko?

Kinusot kusot ko yung mata ko.

So, tama nga yung nakikita ko at hindi lang kulay grey na koala ang nandoon kundi pati may mga kulay brown at white.

Ang cute-cute nila.

Parang ang sarap sarap nilang hakapin dahil sa makakapal na fur nila.

Teka! Pano ko sila nakikita eh ang dilim dilim dito. Hindi ko rin naman tinatanlawan yung mga yun, isa pa hindi rin naman masusuportahan ng ilaw sa hintuturo ko na makita ko yung mga yun.

Haysss... kesa naman mag-isip ako ng mag-isip itatanong ko na lang kay Ella dahil sure naman ako na alam niya yun. Well I can say that Ella is the brain of us. Between me, Rose and Ella s'ya yung mas knowledgeable pagdating sa mga information o mga pangyayari dito sa extra ordinary world.

"Ella bakit nakakakita ako ng maayos kahit na sobrang dilim dito?"

"Look at the rising moon." sagot nya.

Ano namang connect nung buwan na yun sa paningin ko.

Pero sa huli tiningnan ko pa rin yun.

It's different from the moon in the normal world. Akala ko mas bright ang buwan dito yun pala kabaligtaran yun ng inaakala ko.

Yes, tama ang iniisip nyo, the moon here is dark, not just that dark but it's very dark to the point na halos hindi ko na yun makita.

"Anong connect nung dark moon na yun sa paningin ko.. I mean natin?" pansin ko rin kasing hindi na nya ginagamit yung palad nya para ipang-tanglaw sa daan.

"That moon is connected in our eyes..."

Ha?

"Kaya dark moon yan dahil ang liwanag na dapat na ikinaliliwanag n'yan ay natatransmit sa ating mata. Once that moon rises, we can clearly see everything around us kahit pa gaano kadilim ang paligid."

Wow! As in wow!

Kahit pala sobrang dark nung moon na yun sobrang extra ordinary pa rin.

Lumapit sa'min yung koala tapos tinuro n'ya yung isang puno na mas hitik sa bunga kumpara dun sa aconite.

Napansin ko naman na parang kumikislap yung mata ni Ella nung napatingin s'ya dun sa puno.

"Plerish" malaway-laway nyang sambit.

Akala ko pa naman hindi s'ya nagugutom.

Naglakad s'ya papalapit dun tapos inilabas n'ya yung power wand n'ya.

Lumapit rin ako dun at kinuha ko rin yung power wand ko.

Parang alam ko na yung gagawin n'ya eh kaya balak kong gayahin.

Well, as expected and just like before inikot n'ya yung power wand n'ya ng pacounter-clockwise.

"Geteoumas." sabay naming sambit.

Napatingin naman s'ya sa akin pero hindi ko s'ya pinansin bagkus nakapokus lang yung paningin ko dun sa kulay puting liwanag na galing sa power wand ko.

Pinalibutan no'n yung isang bunga kaya pinihit ko agad yung power wand ko para mapitas yung prutas na yun.

This is just a basic spell kaya alam kong magagawa ko to nang maayos.

X.O.S Academy: School for Extraordinary Strength User (Completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang