Kanina pa nakakabit ang braso ni Cyndel sa braso ko. Parang kambal tuloy kaming dalawang tingnan dahil hindi mapaghiwalay. Nang nasa lobby na kami ng palasyo, pinilit niya pa akong matulog sa kwarto niya pero hindi ako pumayag dahil kailangan kong sumama sa grupo ko. Nagpumulit pa noong una pero sumuko rin kaya pumunta nalang siya sa kwarto niyang mag-isa.

Pinaghiwalay ang mga babae't lalake. Ang kwarto namin ay sa left wing ng palasyo at ang mga lalake naman ay sa right wing.

Tatlong court ladies ang sinusundan namin ni Sov Reine, Sov Krysta, at Mestro Anne ngayon. At nagulat ako nang malaman na may tig-iisang kwarto pala kaming lahat. Pero sa laki ng palasyo, magiging madali lang naman talagang gawin 'yon.

Nagpaalam na ako sa tatlo at pumasok sa kwarto ko. Medyo maliit ang kwarto kumpara sa kwartong binigay sa 'kin noong unang punta ko rito. Kaagad kong nilagay ang bag sa gilid at tumalon papuntang kama.

Heaveeeeen!

Sobrang lambot ng kama kaya mas na-frustrate ako na baka hindi ko siya matulugan ngayon.

Tumingala nalang ako sa ceiling at inisip ang librong binanggit ni Eoin kanina. Sa pagkakatanda ko ay nakuha na namin ni Red ang libro ilang araw bago ko nakitang umiiyak si Cyndel.

Umiling ako. Pero hindi.

Ayoko munang mag-assume hangga't wala pa kaming nakukuhang ebidensya. Hindi magandang magconclude ako nang ganito kaaga at wala pang nakukuhang evidence na magsusuporta sa hinala ko.

Napahawak ako sa kwintas ni Sister Martha. Hindi rin maialis sa isip ko ang tingin ni Queen Thalia sa kwintas ko noon sa colosseum. Hindi lang kasi simpleng tingin kundi titig na titig siya sa kwintas ko.

Ano kaya ang gamit nito?

Kaagad akong tumayo at humarap sa bilugang salaming nakadikit sa pader. Tumitig ako sa itsura ko ngayong ibang-iba na sa dati. Ang layo na ng narating ko at ang dami ko nang napagdaanan sa Amaryllis. Hindi parin maialis sa puso ko ang hanapin kung sino nga ba ako, kung sino nga ba si Irine. Simula noong pagkabata ay parang naging misteryo na ang katauhan ko at kung saan ako galing.

Hinawakan ko ang kwintas ni Sister Martha at tiningnan ang bawat parte ng blue crystal na hugis oblong at pinapalibutan ng manipis na silver rings na nakakonekta sa chain ng kwintas.

Kumunot ang noo ko nang mapansing parang may kakaiba sa itsura ng kwintas ngayon kumpara sa unang pagkakita ko nito. Wala na ang itim na parte sa pinakaloob na katulad sa unang pagkakita ko noon. Clear as diamond na ang crystal at lalong tumingkad ang bluish color nito.

Inalog ko ang kwintas. Napatigil ako nang mapansing parang may laman ang crystal. Inalog ko ulit at doon ko nakumpirmang may mistulang likido sa loob.

Weird. Parang nalusaw ang itim na parte at naging clear na tubig.

Binaling ko ang tingin ko sa mga mata ko sa reflection. Ano ba ang kinalaman sa 'kin ng mga bagay sa kahon ni Sister Martha? Kung ang talisman at libro ay may kaakibat na impormasyon tungkol sa 'kin, siguradong ang kwintas din ay may tinatagong sikreto tungkol sa katauhan ko.

"Ah!" Napahawak ako sa kaliwa kong mata nang makaramdan ako ng kakaibang init sa pinakaloob nito.

Kaagad akong napasandal sa shelf na nasa ilalim ng salamin at mariing napahawak sa table cloth. Halos mapasigaw ako sa sobrang hapdi ng nararamdaman ko. Tumataas nang tumataas ang init sa 'king kaliwang mata hanggang sa napaluhod na 'ko sa  sahig.

Dumaing ako nang makaramdam na para bang tinutusok ng isang daang karayom ang bawat parte ng mga mata ko. Halos mapahiga na ako sa sahig at namilipit sa sakit.

[HOLD] Enchanted: The Accursed DaughterWhere stories live. Discover now