Napaisip si Sister Leyva."O, maaring isang tiwalag na miyembro ang nagnakaw ng libro para sa pansariling kapakanan niya."

Tumango si Eoin. "Posibleng mangyari 'yon. Kung isa siyang traydor ng Dark Assemblage, maaari ngang inunahan niya na ang buong grupo na kunin ang libro bago pa man nila makuha. Maraming posibilidad pero hindi parin tayo nakikisugarado kung ano nga ba ang totoong sagot."

Matapos magsalita ni Eoin, natahimik kaming lahat. Si Sister Leyva at ang ibang Mestro ay kapansin-pansing malalim na ang iniisip sa mga pangyayari.

Ang libro. Sana lang ay hindi Enchanted ang tinutukoy ni Eoin. Nasa kwarto ko ang libro ilang araw bago pa man magsimula ang tournament at bago ko nalaman ang nangyari sa Elf Village.

Napakagat ako ng labi. Pero hindi ako sigurado kung anong araw nawala ang libro sa kwarto.

"Kamahalan, kung mamarapatin mo, pwede ba kaming mag-imbestiga sa buong village at ang palasyo? Mas maiging tingnan muna ang lugar kung saan nagsimula ang gulo," usal ni Sister Leyva.

Tumango si Eoin. "Nililipat ko na sa inyo ang otoridad para mamahala. Simula noong araw ng pag-atake, hindi na rin namin hinayaan na may gumalaw pa sa pinangyarihan ng gulo kaya nakakasigurong hindi natanggal ang mga posibleng ebidensya."

"Ako ang sasama sa inyo para mag-imbestiga, Mestro Leyva," sabi ni Castor. "Kabisado ko na ang mga lugar kung saan maaaring may makita tayong ebidensya sa pag-atake."

"Sasama rin ako," usal ni Cyndel.

Tumango si Sister Leyva. "Pagputok ng araw bukas, magsisimula na tayo sa pag-iimbestiga."

"Pero sa ngayon, kailangan niyo munang magpahinga," ani Eoin. "Inihanda na ang mga kwarto na tutulugan niyo ngayong gabi."

Nagtinginan kaming lahat na parang nag-aalangan. Shocks. H'wag nilang sabihin na bawal matulog kapag nasa ekspedisyon?

Napabuntong-hininga si Sister Leyva. "Mas mabuti pang magpahinga muna tayo kahit ilang mga oras lamang."

"Ngunit hindi ba tayo mauubusan ng oras nito? At ang wolves! Kung kasama ang angkan nila sa Dark Assemblage, ang ibig sabihin lang n'on ay dapat tayong maging handa sa anumang pag-atake na katulad ng nangyari kanina?" Tanong ni Mestro Carlos.

"H'wag kayong mag-alala," pagsabat ni Castor. "Napag-alaman namin na ang mga wolves na umatake kanina ay galing sa family na nawalan ng tirahan nang dahil sa Dark Assemblage. Ang lugar kung saan kayo dumaan ay ang lugar na pinaplano nilang gawing panandaliang tirahan. Mukhang naalarma lang ang pack sa grupo niyo kaya kayo inatake ng mga 'to."

Tumango si Eoin. "Wala nang dapat alalahanin, handa ang royal guards sa anumang pag-atake. Ang payo ko'y magpahinga muna kayo."

Ilang segundo ang lumipas pero nag-aalangan parin ang karamihan. Ngumiti si Eoin at tumayo na mula sa silya niya at binuksan ang isang pinto.

"Court ladies, maaari niyo ba silang dalhin sa kanilang mga kwarto?" Tanong ni Eoin.

Pumasok ang limang court ladies na bahadyang nakayuko at pumunta sa gilid ng mesa.

Mukhang sapilitan kaming magpapahinga ngayong gabi. Pero sa tingin ko ay mananatiling gising ang lahat sa gabing 'to at magiging alerto sa anumang mangyayari.

Unang tumayo si Cyndel, Red, at Errapel. Nang makita naming tumayo sila ay sumunod nalang din kami.

Lumabas kami ng conference room at pumunta sa lobby ng palasyo. Si Eoin at Sister Leyva ay naiwan sa conference room kasama si Castor para pag-usapan ang maari pa nilang gawin bukas, ah hindi, madaling araw na pala kaya mamaya na ang pag-iimbestiga.

[HOLD] Enchanted: The Accursed DaughterWhere stories live. Discover now