•Nanay•

8 1 0
                                    

Title: 'Nanay'

"Nay, ang aga aga na naman at nagwawalis ka na riyan!" Suway ko kay nanay na nagwawalis na naman, eh madaling araw palang naman.

Madalas niyang ginagawa yan.

Alas dos palang kasi ng hatinggabi ay gising na gising na siya.

Normal lang ba iyon sa matatanda?

"Alam mo namang routine ko na ang pagwawalis ng ganitong oras. Kumain ka nalang ng inihanda kong almusal." Napakamot nalang ako ng ulo at pumasok sa kusina.

Siya si Nanay Tin, ang mama ng aking lolo at lola ng aking mama, na lola ko na din.

Gets nyo?

85 years old na siya, ngunit mas malakas pa kung kumilos sa nag aararong kalabaw.

Nakita ko ang isang platong may takip pa, kung kaya't agad ko itong tinignan.

"Woops, " ngunit nauna na si Ellise na tignan ang nilalaman nito.

"Sardinas? Pwede na din." Kinuha niya yung ulam at naghain ng kanin para sa kanyang sarili.

Siya naman si Ellise, ang nakababata kong kapatid.

Siya yung tipo ng batang nakukuha anuman ang kanyang gustuhin.

"Magluto ka ng iyo, sa akin na to." Nakangising sambit niya, nagkibit balikat nalang ako at tumambay sa sala.

Paano ko magagawang magluto kung takot ako sa apoy?

Napanguso nalang ako sa kawalan.

"Oh! Ella, bakit para ka na dyang pinagsakluban ng langit at lupa?" Napalingon ako kay nanay na nasa may pintuan, at may hawak pang walis habang naka pamewang.

"Ipagluluto ko nalang ulit ang paborito kong apo, ano bang gusto mo?" Nginitian niya ako kung kaya't napangiti na din ako.

*

"Isang linggong walang phone , naiintindihan mo?" Tinaasan ako ng kilay ni mama, napanguso nalang ako.

"Grabe naman yung isang linggo, hindi ba pwedeng isang araw nalang--" tumalim ang kanyang titig kaya mas pinili ko nalang na manahimik.

Lumabas na siya ng kwarto ko, kaya napalumbaba nalang ako.

Paano ko makakayanang wala akong selpon?

Huwaahh yung ginagawa kong story sa wattpad . Paano ako makakapag update?

"Ella," napasilip ako kay nanay na nasa may pintuan.

"Alam ko kung saan tinago ni mama mo yung selpon mo. Tignan mo sa drawer niya sa pinaka ilalim." Dali dali akong tumakbo sa kwarto ni mama at nagkalkal.

Palagi talagang ganyan si nanay, tinutulungan ako hihi.

Tapos minsan na niyang inaway si mama, lalo na kapag napagbubuhatan ako nito ng kamay.

*

"Ella? Umiiyak ka na naman." Napahinto ako sa mahinang paghikbi dito sa banyo nang marinig ko si nanay sa labas ng pinto.

"Hindi po ako umiiyak NYAHAHAHA! sinisipon lang nay , wag OA." Biro ko nalang.

"Hindi pa naman ako bingi, para hindi marinig ang iyong hikbi?" Narinig ko ang sarkastiko nitong pagtawa.

Sabi ko nga.

"Bakit ka nagmumukmok sa banyo? Alam mo ba na para sa mahihina lang ang pag iyak?" Napatitig ako sa kawalan.

"Eh nay, mahina naman talaga ako diba?" Tanong ko pa at sumandal sa pinto.

Alam kong nakikinig siya.

ONE SHOTS STORIESNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ