• Pagkakaibigan •

35 2 0
                                    


Title: 'Pagkakaibigan'

"Jus! Gusto ko din ng ice cream hoy." Napasubsob ang mukha ng binata sa kanyang dinidilaang ice cream matapos siyang batukan ng kaibigang si Cessy.

"Fvck, kailangan mambatok ha?!" Imbis na matakot sa galit nitong boses, ay natawa na lamang ang dalaga dahil sa napakadungis nitong itsura.

Nalagyan ng ice cream ang parte ng ilong ni Justin maging ang buo niyang bibig.

"PFFFT---WAHAHAHAHAH!" Hindi na mapigilan ng dalaga na humagalpak ng tawa, habang kunot noo namang nakatingin sa kanya ang kaibigan niya.

"Trip ko lang tumawa, pake mo ba?" Umiwas nalang siya ng tingin at pilit na itinatago ang paghagikgik.

"Papabili ka ng ice cream?" Kalmado na ngayon si Justin nang tanungin niya si Cessy, habang may mga ice cream parin sa mukha niya. Napatango nalang siya at nangalumbaba sa harap niya.

"Anong tinitingin tingin mo dyan?" Tumaas ang kilay niya sa dalaga habang napailing iling naman si Cessy habang nakatikom ang bibig. LT AMP HAHAHAHA!

Kumibit balikat nalang si Justin at tumayo na. Hindi niya maiwasang mailang dahil sa nararamdaman niyang titig nang nasa paligid niya.

"Shemay!" Agad na napatakbo si Cessy palabas ng cafeteria nang punain ng tindera ang itsura ni Justin.

"CESSY BUENAVISTA!" Natatarantang nagtago siya sa likod ng malaking trashcan at dahan dahang sumilip kay Justin na palingon lingon na sa paligid.

**

"Happy Halloween Jus!" Itinusok ni Cessy ng hawak na bolpen ang lobong malapit kay Justin dahilan para mapamura na naman ito sa gulat.

"Siraulo ka talaga, Valentine's day ngayon tanga." Umikot ang mga mata ni Justin kaya naman napahagalpak nalang ng tawa ang dalaga.

Kakatuwang natitiis ni Justin ang kasaltikan ng abnormal niyang best friend.

"Pero dahil wala tayong jowa. Manggugulo tayo sa kanila HAHAHAHAHA" Napailing iling nalang ang binata habang inaabutan siya ng costume ni Cessy. Wala siyang ibang nagawa kundi tanggapin iyon.

Bawat magcouples na dumadaan sa subdivision nila, ay pareho nilang ginugulat sabay sisigaw ng "HAPPY HALLOWEEN!"

"Tsk! Para namang mga sira." Reklamo ng babaeng isa sa nabiktima nila. Nagkatinginan nalang ang magkaibigan at sabay na humagalpak ng tawa.

Wala silang pakialam kung kainisan sila, basta't nagagawa nila lahat ng gusto nila.

May mga pagkakataon pang binabato nila ng sapatos ang mga naglalampungan sa may gilid.

Meron ding pinaulanan nila ng isang baldeng ketchup ang napapadaan sa may over pass.

Tapos nagawa rin nilang manguha ng pagkain ng mga nagde-date sa mga kainan.

**

"Justin! Justin! Justin!" Napamulat ang binata dahil sa dalagang inaalog alog ang kanyang balikat.

"Tangina Cess.. inaantok pa ako. Mamaya ka na manggulo!" Iritang reklamo ni Justin, ngunit dahil inborn ng makulit si Cessy ay hindi manlang siya natinag sa reklamo nito.

"Jus, gising naa! Tulungan moo" Hinawakan ni Cessy ang kamay ni Justin at inilagay sa sarili nitong ilong na aastang mangungulangot.

"Fine! Ang kulitt~ ang kulit kulit." Kumamot ito ng batok at didiretso sana sa banyo kaso hinila na siya palabas ng kanyang kwarto.

"Hindi pa ako nagsesepilyo Cess!" Hindi na siya nakapalag nang isakay na siya agad nito sa kotse niya.

"Kahit magtoothbrush ka pa, mabaho parin hininga mo men. Magsasayang ka pa ng Colgate." Humagalpak ng tawa ang dalaga kaya lumukot nalang ang mukha ng binata.

ONE SHOTS STORIESWhere stories live. Discover now