'Mamahalin Parin Kita'

64 0 0
                                    

Title: 'Mamahalin Parin Kita'

"Uyy , tama na yan baby. Ang kapal na ng mga pinaglalagay mo!" Nakasimangot na suway ni Reth. Gusto kong mapahagalpak ng tawa nang pagmasdan ko ang kabuuan ng mukha niya.

"Ay barbie! Sabi ko na." Kakanta kanta akong pinagpatuloy ang pagma-make up sa kanya.

Wala akong magawa sa buhay ko, kaya yung boyfriend ko nalang yung pagdidiskitahan ko. Tutal siya naman yung buhay ko e chour.

"Dagdagan pa natin ng konti sa lips mo by! hihi." Humagikhik ako at nilagyan siya ng sobrang pulang lipstick sa lips niya.

"Kapag yan sobrang kapal tatanggalin mo yan," tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Gamit yung mga labi mo." Ngising dugtong niya sabay ngumuso pa lalo. Tinampal ko ang kanyang pisngi at bumaling sa aking make up kit.

"Di pa ba tapos baby? Ang kati kati na sa mukha tangina." Kinamot nito ang kanyang kilay kaya nginitian ko lang siya ng mapang asar.

"Bakit ka kase pumayag na magpa-make up kung magrereklamo ka lang din naman?" Pabalang na singhal ko. Tinitigan niya naman ako.

"Handa akong magbakla baklaan sa harapan mo, makita lang na gumuhit yang ngiti sa labi mo." Napatigil ako sa sinabi niya.

*

"Mukhang malungkot si baby ko ngayon ah? Sinong umaway sayo? Sabihin mo at babasagan ko lang ng ulo." Napatawa ako sa sinabi ng boyfriend ko. As if kaya niya namang basagin yon, ano yon.. babasagin?HAHAHAHA

"Ikaw yung nang away saken hoy. Basagin mo mukha mo now na!" Biro ko sa kanya. Bigla namang napakunot ang noo niya, hala seryoso na.

"Anong ginawa ko?" Seryosong tanong nito.

"Charot lang! Napuyat lang ako tanga, kay matamlay ako ngayon." Sagot ko at ininom ang milk tea na paubos na.

"At bakit ka naman nagpuyat ha? Baby? Napasarap pag uusap nyo ng kabet mo?" Tiim bagang na tanong nito. Tumango naman ako at muling uminom ng milktea.

"Oo, nagvm pa nga kami e." Mas lalong kumunot ang noo niya. Hinila ako sa bewang para mapalapit sa kanya.

"Sus, kahit ilang vm pa isend non. Tiyak na boses ko parin ang kaaadikan mo." Bakas sa boses niya ang pagkainis kaya naman nilaro ko nalang yung tenga niya habang nakiinom siya sa iniinom ko.

"Bwisit kasi yong best friend ko na yon baby. Hindi daw siya dinadalaw ng antok kaya dinamay niya akong hindi makatulog agad." Pagsumbong ko pa. Babasagin talaga ng baby ko ulo non ni espren charot.

"Yang espren mo na yan, ibabalibag ko na yan papuntang mars. Di nalang maghanap ng jowa para may kapuyatan siya." Pasinghal na sambit niya. At sabay kaming nagtawanan.

*

"Baby!" Kinalabit ko yung boyfriend kong natutulog ngayon sa sofa. Dito siya naki-sleep over kase wala daw siyang kasama sa bahay nila. Kawawa naman!

Umikot lamang ito ng higa at itinago sa kanyang braso ang kanyang mukha.

"Gising na baby! Oy." Hinila ko ang kanyang unan ngunit muli niya lang itong binawi sakin. Sampalin ko to.

"Babyy~" kinikiliti ko siya sa may paanan nang bigla niya akong hilahin patabi sa kanya.

"Wag ka magulo baby, natutulog pa ang gwapo." Pabulong na sabi nito sabay halik sa aking noo.

Sumimangot nalang ako at hindi na pumalag.

*

"Baby, hingi ako yakap." Malambing na sabi ng boyfriend ako at akmang yayakap sakin ngunit umiwas ako.

"Ihh! Ayaw ko ngaa. Ano ka chiks?" Pagtataray ko. Binato ko siya ng unan nang titigan niya ako.

"Yakap lang e, damot." Tumitig ito sa bandang baba ko. Tinignan ko siya ng masama.

"Hoy! Kung saan saan na nakakarating yang mata mo. Dukutin ko yan--" nagulat nalang ako nang batuhin niya ako ng isa sa mga pajama ko.

"Suotin mo yan," kumamot ako ng kilay at pinanliitan siya ng mata.

"B-ba't naman baby?" Bumaba muli ang tingin niya sa shorts ko kaya napanguso nalang ako.

"Ang iksi iksi, sa dami ng pwede mong isuot. Bakit yan pang kinulang sa tela? May saltik ka talaga." Iiling iling na sabi nito. Padabog naman akong tumayo at isinuot ang pajama.

"Much better!" Malapad ang ngiting sabi niya at ginulo ang buhok ko.

"Hindi na nga ako nagsusuklay, guguluhin mo pa baby." Iritang iwinasiwas ko ang kamay niya.

"Edi susuklayan kita," ipinaharap niya ako sa salamin sa tabi ng kama ko. Habang pareho kaming nakaupo dito.

"Alam mo baby, hindi mo na kailangang ayusan yung sarili mo. Kahit wag ka na magdiet, wag ka na maligo, wag ka na magsuot ng pangseksing damit. Mamahalin parin kita. Kahit pa maging dugyutin ka! HAHAHAHAHA" Lumukot ang mukha ko at hindi na siya sinagot.

Sobrang swerte ko na nakilala ko siya..

Isang lalaking handang gawin ang lahat para sa akin.

Handang maging barbie ko.

Handang intindihin lahat ng kaabnormalan ko.

Handang tiisin yung kasaltikan ko.

Handang iparamdam na prinsesa niya ako.

At handang tanggapin at mahalin ako sa kung sino man ako.

I love you so much by, and thank you for everything hihi.

Binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti at nakaw ng halik sa labi sabay takbo palabas ng kwarto matapos niya akong suklayan.

"Babyy hinalikan mo ako! Panagutan mo yung labi ko! Isa pa daw." Rinig kong sigaw niya  dumiretso na ako palabas ng bahay.

ONE SHOTS STORIESUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum