'Pagkumpara'

3 0 0
                                    

Title: 'Pagkumpara'

"Dani! Ligpitin mo na nga yang hinigaan , puro ka na naman pindot ng selpon dyan."

"Magliligpit na po--"

"Aba dapat lang! Mahiya ka naman sa mga pinsan mo doon sa kabila na paggising pa lang. Nililigpit agad ang hinigaan!"

Hindi nako umimik pa at iniligpit na ang hinigaan naming magkakapatid. Yung mga kapatid ko nga, kay aga aga nasa lakwatsahan na e.

*

"Oh ano, wala pa kayong balak magsikain?"

"Ma, wala pa pong ulam at kanin."

"Edi magsaing ka na! Magluto na kayo ng itlog, bumili ka sa tindahan."

"Pero m-ma.. Hindi po ako marunong magluto. Takot ako sa apoy diba?"

"Jusmiyo! Ang tanda tanda mo na, hindi ka parin marunong magluto? Bakit hindi mo gayahin si Elaine, marami ng alam lutuin."

"Sorry po,"

Napayuko nalang ako. Kasalanan ko bang takot ako sa apoy?

*

"86 lang grade mo sa math? Ano ba namang grade yan!"

"Ma, k-kase po nahihirapan ako sa subject na yon e. Kahit mag advance study ako--"

"Dami mo pang sinasabi! Gagawa ka pa ng dahilan. Ang sabihin mo bobo ka talagang tangina ka."

"Nag aaral naman po ako ng mabuti e--"

"At talagang sasagot ka pa?! Wala na ngang utak, wala pang modo! Ganyan ba yung mga natututunan mo sa eskwelahan? Ha?!"

"Sorry po,"

"Tignan mo yung anak ng kapit bahay nating si Celeste , palaging kasama sa 'top' yung anak niyang si Justin. "

Eh ano namang pakialam natin sa kapit bahay? Hindi naman kami nag aaral, para makipaglamangan hehe.

*

"Ms. Gonzales!"

"Yes ma'am?"

"Buhatin mo nga tong mga librong dala ko. Hatid mo ko sa room ng section Jade."

"Ah eh.. hehe sige po."

Napanguso ako ng hindi ko mabuhat ang ilang libro dahil ang bibigat at kapal nito.

"Hay nako! Tara nga dito Ms. Zuñiga, Ikaw nalang ang tumulong sakin. Walang lakas tong si Gonzales e. Lalampa lampa!"

Napangiti nalang ako ng pilit at bumalik sa aking upuan. Bawal akong magbuhat sa mga mabibigat na bagay. Kasalanan ko bang may sakit ako? Kasalanan ko bang mahina ako?

*

"Dani! Magmano ka naman sa Lola mo. Nakita mo ng nagmano na yung mga pinsan mo diba?"

"Saglit lang po ma,"

"Kahit simpleng pagmamano lang hindi mo pa magawa. Nakakahiya ka! Tignan mo nga yang mga pinsan mo. Titigil talaga sa pagseselpon para lang magmano sa Lola nyo."

Nahuli lang magmano, big deal na agad?

Bakit ang hilig nyo akong ikumpara sa kahit kanino?

Eh ganito na talaga ako e, anong magagawa nyo?

Bakit hindi nyo nalang tanggapin at makuntento nalang kayo sa kung anong meron ako? Sa kung ano lang talaga yung kaya ko?

Alam mo yung pakiramdam na, hindi ka parin sapat?

Yung lahat nalang ng gawin mo, ikukumpara sa iba.

Ampota pakialam ko ba sa kanila? Hindi naman ako nakikipagkompetensya.

Pakialam ko kung mas lamang sila? Habang ako minamaliit at mababaw lang kung tignan nila.

Bakit kailangan pang ikumpara? Bakit kailangan magmaliit? Bakit kailangan may magmayabang? Bakit kailangang maglamangan?

Kung pantay lang din naman yung tingin satin ng kataas-taasan.

Maganda man o pangit,

Bobo man o matalino,

Matangkad man o pandak,

Maputi man o maitim,

Tahimik man o maingay.

Pare-pareho lang tayong hindi perpekto. Walang perpekto!

Kaya wag nyo akong ikumpara sa iba, dahil hindi rin naman sila perpekto katulad ko.

ONE SHOTS STORIESWhere stories live. Discover now