'Mag isa'

4 0 0
                                    


Title: 'Mag isa'

"Sorry Cai, kumpleto na pala grupo namin. Lipat ka nalang sa iba." Sabi ni Keera na nagpabagsak sa balikat ni Caily.

"Halaa!" Ngumuso ito at napatahimik saglit.

"Sorry talaga. *humarap sa iba pa nilang kaklase* start na tayo guys, ganto gagawin.." nag usap usap na sila at binalewala ang kaklase nila.

Napabuntong hininga nalang si Caily at tumalikod. Pilit siyang ngumiti at tumingin sa iba pang mga kaklase.

"Uy mga atengg! Kumpleto na kayo sa group?"

"Yeah, wag ka nga dito." Sambit ni Naomi at sumulat ulit sa notebook niya ng gagawin nila.

"Kaya ngaa, di ka naman din makakatulong." Umirap ang isa niyang kaklaseng si Thalia.

"Edi wag, hmp:<"

Muli na lamang umalis si Caily at nagtanong tanong sa iba pang mga kaklase.

Nakakalungkot mang isipin pero niisa walang nagsali sa kanya.

*

"5 , 6, 7, 8!"

"Eyt, seben, siks, payb, por tri--"

Napahinto si Caily sa pagsayaw nang titigan siya ni Vina.

"Ba't? Ni-gagawa ko sayo tih?"
Takang tanong ni Cai. Tumaas naman ang kilay ni Vina bago nagsalita.

"Bawal ka magsayaw sayaw diba? Bakit andito ka?" Natahimik si Caily.

"Ahh.." magsasalita pa sana to nang senyasan na siya ni Vina na umalis.

"Ahh, hehe. Sige na nga. Bawal nga pala ako magpagod mwehehe!" Tumakbo nalang ito patungo sa CR at naupo sa inidoro.

Wala lang nakaupo lang don, habang nakatulala.

*

"Caiii pahiram naman ng marker oh!"

"Enge papel , Cailyy."

"May bolpen ka?"

Nipahiram , nibigyan sila ni Caily ng mga kailangan nila. Sponsor.jpeg WAHAHAHA!

Nung siya naman yung nawalan.

"Palimos ng papel gaiz." Nakasimangot na sambit nito.

Yung iba ay abala na sa pagsagot habang yung iba'y ni-deadma lang siya.

Ahh ganon?

*

"Enge fries Caiii nyahaha!" Pambuburaot ni Hershey na tababoy nilang klasmeyt.

"Ayy sige langss. Wag mo ubusin tih ah?" Napatawa nalang siya at kumuha don. Yun na yon, kumuha lang siya at hindi manlang nagpasalamat.

Napatawa nalang si Cai. 'Hay nako Cai, di naman kailangan na kapag tumutulong ka.. kailangan magthankyou pa.' sa isip isip niya.

"Nevermind, kyut paden naman ako." Niubos na niya ang kanyang fries bago pa may humingi na naman--charot.

*

"Ms. Cleas!" Natauhan si Caily dahil sa pagtawag ng kanyang guro sa kanya.

"Ayy ang kyut ko." Gulat na sambit nito. Nagtawanan naman ang iba, habang umirap naman ang iba pa.

"Hangin, tss." Bulong ni Vina na nasa bandang likod niya.

"Lutang ka na naman? Alam mo kung may problema ka, wag mong dadalhin dito sa school ah? Aral muna. Magpokus!" Napatitig si Caily sa kanyang guro dahil sa narinig.

"S-sorry po miss.." nasabi nalang niya, pero sa loob loob niya para siyang nadudurog ng dahan dahan.

'Kung may problema, wag mong dadalhin dito sa school ah?'

Huminga siya ng malalim at napatawa nalang ulet ng pilit.

*

Tulala ang dalaga habang nakatitig sa dingding ng kwarto niya.

Kung saan nakasabit doon ang litrato niyang kung ngumiti siya , akala mo sobrang saya. Pero kung tititigan ang mga mata, kasinungalingan lang pala.

Di mapigilang tumulo ng kanyang luha. Sobrang bigat ng pakiramdam niya.

Gusto niyang ipagsagawan sa lahat.. lahat ng hinanakit niya. Lahat ng paghihirap sa kanya. Ngunit tanging pilit na tawa nalang ulit ang nagawa niya.

'Dyan ka magaling diba? Sa pagpapanggap.' sermon niya sa sarili. Pagod na siya't sawang sawa na, ngunit wala siyang ibang magawa kundi tumawa.

Tawanan lahat ng bagay na hindi niya alam kung malalampasan pa.

'Bakit ganon?' Napatanong siya sa sarili.

Kahit gaano pa karaming tao ang nasa paligid ko.. pakiramdam ko, nag iisa ako.

ONE SHOTS STORIESWhere stories live. Discover now