'Anong klase akong kaibigan?'

9 0 0
                                    


Title: 'Anong klase akong kaibigan?'

"Daphnieee!" Papasok palang ako ng gate ng school nang mamataan ko si Angel na kumakaway sakin.

Nginitian ko siya at kinawayan pabalik. Malapit ng magbakasyon, dahil paparating na ang kapaskuhan. Tiyak na mamimiss ko tong babaitang to.

"Daph, may ikukwento ako tara dalii" hinila nako nito patungong classroom, hindi pinagtuunan ng pansin ang lady guard na ang sama kung makatingin samin.

Yung lady guard talaga na yon, mag ingay ka lang kapag padaan doon sa may guardhouse sasamaan ka agad ng tingin.

Pahirapan pa minsan kung magpapasok. Bawal walang ID, tapos dapat nakasuot ng complete uniform. Jusme! Daig pa niya yung principal HAHAHAH.

"Ano na naman ba yang ikukwento mo Gel?" Kumapit ako sa braso niya habang humagikhik naman siya.

Asusss! Crush na naman to panigurado.

"Oh, anyare sa inyo ng crush mo?" Mas lalong namula ang mga pisngi nito kaya napangisi nalang ako.

"Kyaaaaaa!" Napatakip ako ng magkabilalang tenga .

"Potaena neto," reklamo ko. Masakit sa tenga punyemas!

"Sinagot ko na siya Daphhh! AacKk." Saglit na napakurap kurap ako, bago narealize kung ano yung narinig ko.

"What? Sinagot?" Tumango tango siya sabay hampas sa braso ko. Isa pa talaga, makakatikim na to sakin.

"Ahh marupok," tinaasan niya ako ng kilay kaya napahalakhak ako.

"Parang nung isang araw lang, sinabi mong mag MU palang kayo ah? Jusmiyo Gel." Napatampal ako ng noo. Grabe anrupok!

"Daph naman e, support ka nalang!" Pasinghal na sambit niya.

"Hala sige, kapag iyan sinaktan ka lang katulad nung Jolo na ex mong yon. Wag ka sakin iiyak iyak ha?" Napatawa ito ng mahina.

"Magkaiba sila Daph. Iba si Jolo, iba si Erol , ito na yung lalaking para talaga sakin hihi." Napaikot nalang ang mga mata ko.

*

"Daph, ikaw na nga magchat sa lalaking to." Iritang ibinigay niya sakin ang phone niya na tinanggap ko nalang.

"Ano bang nangyari? Kanina ka pa bad mood e." Tinignan ko ang phone niya at napakunot noo.

Based sa chat nila nung Erol, mukhang nagkakasagutan sila. At dahil pinanganak nakong chismosa , binasa ko yung convo nila.

Nagseselos itong kaibigan ko , kasi mukhang etong jowa niya si ex parin ang gusto. Tapos nagagalit naman tong si Erol kase pinipilit parin ng kaibigan ko yung mga bagay na dapat ibinabaon na daw sa nakaraan wushu.

"Gel, ba't mo naman naisip yon?" Ngumuso naman si Angel at tumitig lang sakin.

"Ba't nga?" Yumuko siya tapos napatingin ulit sakin.

Parang timang amp.

"Wag mo nalang reply-an, paniguradong magiging dahilan lang yan ng pag aaway nyo." Inagaw niya sakin ang phone at siya na mismo ang nagreply.

Whatever!

*

"Daphnieee huhuhu." Natagpuan ko nalang si Angel na nakaupo sa may sulok dito sa banyo ng school namin.

"Uh Gel? Anong nangyari?!" Tarantang tanong ko, juskoo. Namamaga ang mga mata at halos mukhang ginahasa sa gulo gulo niyang buhok.

"Aalis daw siya Daph. Iiwan niya ako.." umiiyak na sabi niya. Natahimik naman ako.

ONE SHOTS STORIESWhere stories live. Discover now