•Tagu-taguan•

11 0 0
                                    


Title: 'Tagu-taguan'

"Isa, dalawa, tatlo.." Napakamot ako ng ulo nang mapansing ang tahimik na sa paligid.

Mukhang malayo na siya sa pinagtataguan niya kung kaya't hindi ko na itinuloy ang pagbibilang pa.

"Yuan?" Madilim na ang gabi, ngunit naglalaro parin kami. Hindi ko tuloy maiwasang kabahan.

Paano kung tuluyan na niya akong iniwan?

"Yuhoo! Yuan, kapag nahuli kita. Ililibre mo ko ng ice cream mamaya ah?" Pasigaw na tanong ko. Hindi ko alam kung nandito pa ba siya, hindi ko tuloy mapigilang matakot.

Gosh! Kakalbuhin ko talaga siya kapag nalaman kong umuwi na siya.

"Ysa--" mabilis kong nahawakan ang kanyang braso at agad binaliko ito papunta sa kanyang likod.

"A-arayy! Ysa ako ito si Yuan!" Parang bigla naman akong natauhan sabay siya ay binitawan.

"S-sorry naman. Bakit ka ba kase nanggugulat? Hmp." Iritang sabi ko at nagcross arm.

"Masyado ng malalim ang gabi, yari na tayo Ysa. Tara na't umuwi!" Hinatak na niya ako palayo sa gubat at hinatid pauwi sa bahay.

Hindi na maawat ngayon ang puso ko sa pagkabog dahil hawak niya ngayon ang kamay ko.

*

"Gusto mo bang turuan pa kitang magluto nyang adobo?" Natatawang tanong ni Yuan habang pinagmamasdan akong nakatitig lang sa mga ingredients.

Iniwan sa akin ni mama ang gawaing ito, dahil may emergency daw siyang pupuntahan. Marunong naman ako magluto, pero hindi ng putaheng adobo.

"Sige nga, paano?" Tumaas ang kilay ko at tinitigan ang Yuan na to.

"Sus! Ang dali dali lang Ysa , tsk tsk." Napapailing na ipinaliwanag niya sa akin ang lahat.

Kung anong mga ilalagay at kung anong mga sikreto niya para mapasarap pa lalo ang ulam.

Sanaol.

Matapos makaluto, sabay naming inihanda ang umagahan namin.

Muntik ko pang mahulog ang mga platong hawak ko nang magdampi ang balat namin paglapag ko ng mga ito sa lamesa.

Para akong nag-ground amp.

*

"Isa, dalawa, tatlo, apat, lima--" may mga bata sa kalsada ang nakaagaw ng atensyon ko.

Naglalaro sila ng tagu-taguan.

"Huli ka!" Agad nahuli ng isang bata ang nagtatago sa likod ng malaking trashcan.

"HOY KAYO!" Sigaw ng isang babae sa may bintana.

Nagpatuloy naman na ako sa paglalakad, bumili lang ako ng mainit na pandesal sa may bakery.

"Tanghaling tapat nag iingay na naman kayo dyan." Muling reklamo nung babae. Napakamot naman ako ng ulo.

"Naalala ko noon, nung mga bata pa tayo. Diba tagu-taguan din yung palagi nating nilalaro?" Napasinghap ako nang bigla siyang sumulpot sa tabi ko si Yuan.

May lahing kabute ata tong lalaking to.

"Jusmiyo Yuan! Pwede iinform mo din ako na andyan ka na pala sa tabi ko?" Iritang sambit ko. Ang hilig talaga nito manggulat!

"Ay sorry sorry men." Tinapik tapik pa niya ako sa balikat dahilan para mapagitla ako.

Hanggang kailan ko ba maitatago yung feelings ko para sa lalaking ito?

ONE SHOTS STORIESWhere stories live. Discover now