'Nagbago'

3 0 0
                                    


Title: 'Nagbago'

"LIAAA!!"

Napabalikwas ng bangon ang dalaga dahil sa malakas na sigaw ng kanyang ina.

Tulalang nilingon niya ang nanay niyang nakapameywang sa harapan niya. Halatang lutang ang dalaga, at inaantok pa.

"Alas sais na ng umaga, wala ka bang balak kumilos na? Mahuhuli ka na naman sa klase mo punyeta ka!" Kumamot ng ulo ang dalaga at bumangon na.

Matamlay na naglakad sa banyo at naligo. Hindi niya alintana ang lamig na umaagos sa kanyang katawan.

Nakapagtatakang hindi na siya yung dating magkakanda-ugaga sa paggalaw dahil late na naman siya.

Hindi na rin siya nag aksaya pa ng oras para kumain bago pumasok sa eskwela, hindi gaya noon na parati niyang ginagawa.

*

"Uy, Lia." Isa sa mga kaklase niyang nagngangalang Levi ang kumalabit sa kanya, nang mamataan siya nitong naglalakad papasok ng gate.

"Ay anak ka ng nanay mo!" Nabalik sa ulirat ang dalaga, habang bumulalas naman ng tawa ang kaklase niya.

"Lutang ka na naman Liii HAHAHAHAH" Napangiti nalang dalaga at hindi na pinansin ang kaklase.

Hindi na katulad noon, na kapag nakakasalubong niya ang kahit na sinong kaklase niya. Ultimo mo mga naging guro niya at guro niya ngayon, talagang binabati niya pa.

*

"Lia, tara recess na tayoo" Pilit hinahatak ang tulalang si Lia ng kaibigan niyang si Kaileigh. Animo'y walang pakialam sa paligid niya.

"Li?" Tumingin si Lia sa kanya at nginitian siya.

"Sige kayo nalang muna bumaba Kai, hindi ako kakain." Kumunot ang noo ni Kaileigh at siniko ang kaibigang si Keiffer na abala sa paglalaro ng ML.

"Ano ba taena namaan! Kitang naglalaro e--" Binatukan siya ni Kaileigh nang magrereklamo pa siya.

"Hindi daw kakain si Lia," bulong nito pero hindi naman sila pinansin ng kaibigang si Lia.

"Hoy tubol! Anong hindi kakain? Sa takaw mong yan, kaya mong hindi magrecess?" Bulyaw nito. Umikot lang ang mata ni Lia at binuklat ang pocket book na binabasa niya.

"Wala akong gana, magsikain na nga kayo." Nagkatinginan nalang ang dalawa niyang kaibigan at hindi na umangal pa.

"Sa buraot niyang yan? Ngayon lang tumanggi yan sa pagkain." Bulong ni Keiffer, nagkibit balikat naman si Kaileigh at nauna ng maglakad palabas ng classroom.

Nasaan na yung dating Lia na kahit anong kain, hindi na mabusog busog?

*

"Maghugas ka na nga ng plato!" Utos ng ate niyang abala sa panonood ng TV habang kumakain pa ng french fries.

"Ba't hindi ikaw maghugas? Ako na naman maghuhugas? Tss." Pabalang na sagot nito. Sumama naman ang tingin ng ate niya.

"Sumasagot ka na ha! Sumasagot ka na!" Umirap nalang si Lia at humilata sa kwarto niya.

"Hindi naman siya ganyan dati ah." Nagtatakang bulong ni Reiko na kanyang ate.

Natuto na siyang sumagot ng pabalang sa mas nakakatanda sa kanya.

*

Nasaan na nga ba ang dating si Lia?

Yung Lia na laging nakangiti at nakatawa.

Yung Lia na madalas mong makikitang masaya.

Yung Lia na masarap kasama.

Yung Lia na may pakialam pa sa paligid niya.

Yung Lia na nagpapapagaan ng loob ng iba.

Yung Lia na mas pinapahalagahan yung kapakanan ng iba, kaysa sa sarili niya.

Yung Lia na makulit at napaingay pa.

Yung Lia na handang magsayang ng efforts, kahit ilang beses na siyang binalewala.

Yung Lia na ibang iba na sa dating siya.

Lahat napapagod, lahat nagsasawa.. Kaya lahat nagbabago.

Ngunit posible pa kayang bumalik yung dating siya?

ONE SHOTS STORIESWhere stories live. Discover now