'Panyo'

1 0 0
                                    

Title: 'Panyo'

"Uwaaaahh! huhuhuhuhu." Panay ang pagpunas ko ng sipon mula sa ilong ko kasabay ng pagbuhos ng luha ko.

"Zia? A-ayos ka lang?" Napaangat ang tingin ko sa nagsalita at mas lalong napaiyak.

"Cleo! Huhu." Ipinakita ko sa kanya ang malaking sugat na nasa tuhod ko habang ngumangawa parin.

"Shh! Wag ka ng umiyak, sige ka may lalabas na pari dyannn." Pananakot niya pa dahilan para mas lalo akong mapaiyak. Waaaaahhh! HUHUVELSSS.

"Joke lang. Hehe! Oh eto panyo, ang dungis dungis mo na. Papangit ka nyan." Tinanggap ko ang puting panyo at napangiti.

*

"*Sniff*sniff* A-ayoko na sa bahay.. n-nipalo ako ni mama ko Cleo! Bad siya :<" pinunasan ko ng kamay ko ang luha ko. Ang sama ni mama ko! I hate her huhu.

"Ayy, bakit ka niya pinalo Zia? Baka may dahilan siya. Wag kang magsalita ng ganyan, maraming isinakripisyo ang mama mo sayo. Tapos kagagalitan mo lang siya?" Napatahimik ako. Tama siya.. pero huhu! Ang sakit nung palo niya. Di ko naman sinasadya na mabasag yung baso eh!

"Eto panyo.. wag ka na umiyak. Bumalik ka na sa mama mo at humingi ng tawad tapos yakapin mo siya." Wala nakong ibang nagawa kundi tanggapin yon.

"Salamat Cleo.."

*

Gusto kong magwala! Hindi ko dapat nararamdaman to.. pero kasi gusto ko na siya.. matagal na. Mahal na nga ata! Ang sakit lang. Sobra.. Ang sakit makitang.. Yung lalaking mahal ko, may kahalikan.

"Hey Zia. You're crying na naman?" Halos tumigil ang aking paghinga.

"H-hindi nuh.." pinunasan ko ang aking luha. Kainis! Lagi ko nalang nakakalimutang magdala ng panyo..

"Ows? Sinong niloko mo? Wag ako Zia! Umiiyak ka na naman. Anong dahilan?" Napaiwas ako ng tingin. Paano ko ba sasabihing umiiyak na naman ako.. pero ikaw talaga ang dahilan?

Napaluha nalang ako nang yakapin niya ako ng walang pahintulot.

"Nakalimutan mo na naman magbaon ng panyo. Napakaiyakin mo pa naman." Hiniwalay niya ako sa kanya at inabutan ng panyo.

Panyo.. panyong nanggaling mismo sa lalaking siya ring dahilan ng pag iyak ko..

Salamat sa pagiging sandalan Cleo.. pero wala na atang talab ang panyong nagpapagaan ng loob ko noon. Kasi ikaw na , ikaw na  ang dahilan kaya umiiyak na naman ako ngayon.

ONE SHOTS STORIESWhere stories live. Discover now