'Pagmamalupit'

16 0 0
                                    


Title: 'Pagmamalupit'

"Ma, s-sorry po.. Tama na po mama! Ayoko na. Ang sakit po!"
Sunod sunod ang pagdaing ko dahil sa kakahambalos ng walis tambo sa akin ng mama ko.

Gusto kong makalaya sa bawat hambalos nito, ngunit wala akong ibang magawa kundi mapahagulgol dito.

Galit na galit si mama ko. Matapos kong late na umuwi sa bahay at maabutan siyang nakatayo sa may pinto.

Nahuli lang naman akong umuwi dahil may mga materials pa kaming binili ng iba kong mga kaklase.

Napatungo nalang ako at pilit na itinatago ang pagdaing.

Gusto kong magpaliwanag sa aking ina, ngunit sa ganitong sitwasyon magagawa ko pa ba?

Parati nalang ganito si mama. Gusto kong isipin na nag aalala lang siya, at gusto niya lang akong madisiplina ngunit hindi ba parang ito ay sobra na?

*

"Ay jusmiyo Eila!" Napamulat ako mula sa pagkakaidlip nang marinig kong sumigaw si mama.

Bakas sa kanyang boses ang pagkataranta, kung kaya't dali dali akong napatakbo sa kusina.

Makapal na usok ang bumungad sa akin nang marating ko ang kusina. Habang pinatay naman agad ni mama ang kalan takip ang kanyang ilong gamit ang isang kamay.

"Bakit hinayaan mo itong sinaing?" Pinandilatan niya ako ng mata, napabagsak naman ang aking panga.

"Ma, hindi ko po alam na may nakasalang dyan--" napahinto ako ng makita ang hawak niyang sandok ng kanin at ipinukpok ito sa akin.

"Aray!" Daing ko. Ang init depungal!

"Wala kang kasama dito. Sinong ibang magsasalang nyan? Ginagago mo ba ko?" Napasinghap ako, pinipigilan na muling maiyak.

Palagi namang ganyan si mama, pero hindi ko parin magawang masanay.

"Eh mama. S-si Kath po pati yung mga kapatid ko andito. Baka sila po ang nagsalang mama." Nauutal na sagot ko. Tinaasan niya ako ng kilay at pumamewang.

"ANO PANG TINUTUNGANGA MO DYAN? EDI HANAPIN MO NA YANG PINSAN AT MGA KAPATID MO!" Bulyaw niya at pinaghahampas ako ng hawak na sandok, napaalis naman ako agad sa harap niya at hinanap na ang dapat hanapin.

Alam kong ako na naman ang masisisi nito, dahil ako lang ang naiwan sa bahay.

Nakaidlip pa naman ako matapos ayusin at linisin ang mga ginamit ko sa visual na ginawa ko para sa report namin bukas.

*

"Akin na nga yang selpon na yan!" Balak ko pa sanang sumagot nang mabilis na itong nahablot ni mama at tinignan ako ng masama.

"Gabing gabi na't tutok na tutok ka pa dyan. Bakit hindi mo gayahin itong mga kapatid mo? Imbis na selpon ang inaatupag, heto at nagbabasa ng mga libro." Napatahimik nalang ako at napatingin sa kisame.

Nagsusulat lang naman ako ng story. Libangan kumbaga haha. Hilig ko na talaga ang pagsusulat, siyam na taong gulang palang ako.

Tahimik lang ako, ngunit mapag obserba sa paligid ko. Alam nyo bang yung mga bagay na hindi ko masabi o maipaliwanag, ay idinadaan ko nalang sa pagsulat?

Sa paraan ko lang na ito nailalabas yung tunay na nararamdaman ko. Sa bawat tinta at luhang nasasayang ko.

"Eila, nakikinig ka ba ha?" Binato ako ni mama ng mga sapatos, dahilan para matauhan ako.

"Ha?" Tanging lumabas sa bibig ko. Muli na naman niya akong binato ng sapatos. Ano na naman bang nagawa ko deputa?

"Tigil-tigilan mo na ang kagagamit ng selpon! Tulala ka na at laging wala sa sarili. Yan selpon pa!" Napairap nalang ako. Kada-sermon, laging damay si selpon.

ONE SHOTS STORIESحيث تعيش القصص. اكتشف الآن