'Itinapon' (TULA)

10 0 0
                                    

Title: 'Itinapon'

Kasabay ng pagbuhos ng ulan,
Ay ang mga luhang nagsipatakan.
Paano pa mapipigilan,
Kung labis ng nahihirapan?

Gulong gulo na ang isipan,
Hindi alam patutunguhan.
Puno ng sugat at pasa ang katawan,
Ngunit wala ng mas sasakit pa sa kanyang kalooban.

Hindi na mapipigilan,
Lamunin ng kalungkutan.
Walang handang siya'y pakinggan.
Ni-hindi nila naiintindihan.

Tanong sana'y inyong masagutan.
Kaibigan, alam mo ba ang dahilan?
Kung bakit siya nagkaganyan?
Bagsak na ang balikat, sa sobrang kapaguran.

Araw araw kung siya ay pagalitan.
Ngunit madalas na siya'y nagbibingi-bingihan.
Kaya ka niyang sabayan, sa malakas na halakhakan.
Na para bang hindi umiiyak, kinagabihan.

Hangad lang naman niya'y kaligayahan .
Ngunit sobra naman kung siya'y pagkaitan.
Hanggang kailan ba susubukan,
Paglaban ng walang kasiguraduhan.

Problemang hindi malampasan,
Walang ibang ginawa kundi iyakan.
Tulala nalang sa sobrang kahinaan.
Utak ay lumilipad sa kalawakan.

Pagbabago ba 'y isang malaking kasalanan?
Kung kaya't agad ng iniiwasan.
Tama bang ako'y iwanan,
At itapon nalang pinagsamahan?

ONE SHOTS STORIESWhere stories live. Discover now