'Pagsuko'

6 0 0
                                    


Title: 'Pagsuko'

"THREE.. TWOO! ONE!  HAPPY NEW YEAR!!"

Sunod sunod na paputok ang agad na narinig ko. Kasabay ng pagtunog ng kani-kanilang torotot. Maging ang mga kalderong pinupukpok ng kanilang hawak na sandok.

Napangiti ako nang bumungad sa kalangitan ang makaagaw atensyon na iba't ibang kulay ng fireworks. Nakakaaliw ang bawat pag angat at pagbagsak ng ilaw na inilalabas ng paputok na iyon.

Kanya kanyang batian ang mga taong nasa paligid ko. Narito ang magbibigay ng ngiti sa bawat isa, meron pang nagyayakapan na mahahalata mong sabik silang makasama ang bawat isa sa panibagong taon.

Bagong taon, bagong buhay. Ika nga nila.

Hindi ko mapigilang mapatingin sa dalawang taong nasa harapan ko. Nakangiti sila sa isa't isa na para bang wala silang ibang nakikita sa paligid nila.

Sana ganyan din tayo ngayon Julius haha. Kung hindi lang nabalewala yung nararamdaman ko, at hindi ka nagkagusto sa ibang tao.

Ngayong taon.. tatanggapin ko na. Na kailanman hindi mo makikita ang aking halaga HAHAHAHAH. How unfair, nagmahal lang naman ako. Pero puro sakit lang naman ang idinulot mo.

"Danah!" Nagulat ako sa biglaang pagsulpot ng best friend kong si Roy sa tabi ko. May hawak itong isang gallon ng ice cream na iniaalok sa akin.

"Grabe naman Roy! Kailangan nanggugulat?" Singhal ko. Hindi naman na niya ako sinagot at sa halip ay ginulo niya ang aking buhok.

"Oh ice cream, pampalamig ng napaka mainitin mong ulo." Kinuha ko nalang iyon at muling tinignan yung fireworks.

"Ang ganda no?" Rinig kong tanong niya. Napangiti naman ako at napatango.

"Pero mas gaganda siguro ito kung--" hindi ko na natapos ang aking sasabihin. Nang lingunin ko siya at mahuling nakatitig sakin.

Halos mahigit ko ang hininga ko nang makita kung gaano kalalim ang mga titig niya. Problema ng lalaking to?

"Hoy," agad siyang natauhan at saglit na napamaang ang bibig.

"Para kang timang dyan. May dumi ba sa mukha ko?" Napalunok ito at napaiwas ng tingin.

"W-wala naman, Dan hehe." Kumamot siya ng batok. Ang weird niya talaga ngayon.

"Hindi mo ba ako babatiin ng happy new year ha?" Pagbiro ko nalang. Para kase siyang naiilang na ewan.

"Ay haha! Happy new year Danah." Napayuko ito matapos akong batiin. Kumunot ang noo ko.

"Ayos ka lang?" Para siyang di mapakali habang paikot ikot ang tingin.

"A-ahh.. Oo naman! Yea, ayos lang ako. M-may gusto lang akong sabihin." Nauutal na sagot nito. Wala pa man siyang sinasabi pero parang alam ko na agad kung ano iyon.

Naalala ko bigla yung kuya niya. Minsan na kaming nagkausap non, at close na agad kami non kahit minsan lang kami magkita haha. Nabanggit niya sakin na crush daw ako ng kapatid niya. Natawa pa nga ako kase mukhang nagbibiro lang naman si kuya Ken.

"Hm?" Nagpatuloy ako sa pagkain ng ice cream dahil matutunaw na haha.

"D-dan.. ano kase e. Gusto kita." Bumagsak ang balikat nito at napatahimik. Hindi naman ako nakasagot agad.

Yea, sinabi na yon ng kuya niya. Pero iba parin pala talaga kapag nanggaling na mismo sa kanya. Hindi ko maiwasang magulat at kabahan at the same time.

Hindi ko alam kung anong ma-ipapakita kong reaksyon amp!

"No mali, mali. Mahal na nga kita e." Ngumiti siya ng tipid at muling napayuko.

ONE SHOTS STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon