• Manunulat •

76 8 15
                                    


Title: 'Manunulat'

"Ayan na ba yung story mo? Psh! boring."

"Ang pangit naman ng mga plot walang thrill."

"Tumigil ka nalang sa pagsusulat, wala kang mararating."

"Mali mali pa punctuations amp"

"Bago ka magsulat siguraduhin mo munang magugustuhan ng mga mambabasa yan ha?"

"Tama na mangarap, hinding hindi mo mapapantayan ang mga sikat at magagaling na manunulat!"

Iilan lang yan sa mga bash na nabasa ko na comments sa stories ko, maging sa message board ko.

Ano bang mapapala nila sa pangbabash? Hindi ko maipaliwanag kung anong mararamdaman ko.

Minamaliit nila yung mga akdang sinulat ko. Hindi nila na-appreciate yung mga pinaghirapan ko.

Hindi pa ba sapat ang mga luhang nasayang ko?

Ang mga tintang naubos ko?

At kalungkutang naibuhos ko?

Maging ang oras na ginugol ko?

At pagod sa pagsusulat nito?

Hindi pa ba sapat lahat ng inilaan ko para makapagsulat ng isang akdang ang mismong gumawa ay ako?

Sino sila para mang insulto?

Sino sila para husgahan ako?

Sino sila para sabihing walang saysay ang mga isinusulat ko?

Paano nila nasasabing walang saysay lahat ng ito, kung ang lahat ng isinusulat ko ay ang tunay na nararamdaman ko?

Nagagawa nilang maliitin ang isinusulat ko, samantalang hindi nga sila nakakapagsulat ng kahit isang akda manlang.

Hindi ko mapigilang mapangiti. Narealize ko na.. habang binababa nila ako ay mas lalo lang namang umaangat yung tingin ko sa sarili ko.

"Author Demi! Kailan po ang next update sa story nyong 'The Promise'?"

"Uy otor, ano kayang susunod na mangyayari kila Chaiel at Kaicer? Ohmygad hindi na ako makapag hintay kyaahh!"

"I'll support you Dem, no matter what"

"Ang ganda talaga ng mga works nyo Ms. Author! Idol ko na po kayoo."

Ito ba ang binabash noon nila?

Ako na marami ng mambabasa't tagahanga.

Gusto kong yakapin ang lahat ng mga taong walang sawang sumusuporta sa akin.

Nakakatuwang hindi ko magawang sumuko nang dahil sa kanila.

Hindi ko magawang tumigil sa pagsusulat, para bang obligasyon kong magsulat ng mga akdang makakapagpasaya sa kanila.

Gusto kong magsulat ng kwentong tatatak sa mga mambabasa.

Gusto kong isulat kung gaano kalawak ang imahinasyon ko.

Gusto kong ipakitang nagkakamali silang maliitin ako.

Naiimagine ko na yung sarili kong nakaupo sa harap ng mahabang pila ng mga taong sabik na lumapit sa akin para magpapirma sa librong aking ginawa.

Booksigning.

Hindi na ako makapaghintay ack!

Darating din yung araw na matutupad yung pangarap ko.

Magiging sikat na author ako at pahahalagahan ng mga mambabasa ang mga akda ko.

Sa lahat ng mga nangbash at minaliit ang bawat akdang ginawa ko.

Hindi ko nagawang magalit sa kanila.

Sa halip, gusto ko pa ngang magpasalamat dahil kung hindi nila ginawa ang mga iyon.

Hindi ako ngayon nakaupo sa harap ng maraming tao habang pila pila silang naghihintay na pumirma ako.

Yung mga salitang ginawa kong inspirasyon upang mas igihan at galingan ko pa.

"Hi po Ms. Author! Balita ko ay eleven years old ka palang ay nagsusulat na kayo? Sanaol."

"Author, saang bookstore pa po ba kami makakabili ng bago nyong stories?"

"Binabasa ko po ang bago nyong story na fantasy! Maari nyo po ba itong pirmahan?"

Sa lahat ng mga kapwa kong manunulat. Hindi masamang mag umpisa sa mababa, darating yung araw na aangat ka at titingalain din ng iba.

Muli ko silang nginitian at nagpasalamat. Hindi ako makakarating dito kung hindi dahil sa kanila.

ONE SHOTS STORIESDonde viven las historias. Descúbrelo ahora