•Ako nalang yung mahalin mo•

8 1 0
                                    


Title: 'Ako nalang yung mahalin mo'

"Bakit kase ganon no?" Nakasimangot na sambit ko habang tinitigan ang fries na kinakain ko.

"Anong ganon Dee? Ah , kung bakit mabilis maubos yang fries mo?" Nagtatakang tanong niya sakin.

"Hindiii" napasimangot ako lalo. Para namang lutang tong kasama ko amp.

"Eh ano ba?" Inubos ko yung natirang fries at muling napatitig sa kawalan.

"Bakit hindi ako magawang i-crushback ng crush ko?" Mahinang tanong ko. Napatingin ako sa mga daliri ko at pinaglaruan ang mga ito.

"Cute naman ako, sweet minsan, mabait pagtulog, magaling kumanta. At isa pa, loyal sa kanya!" Dugtong ko pa nang walang matanggap na sagot mula sa kanya.

"Baka kase hindi ikaw yung babaeng tipo niya." Kibit balikat na sagot niya. Aba't!

"Aray ha," paismid na itinapon ko sa kanya yung lalagyan ng fries.

"Gusto ko pa ng fries!" Usal ko. Napailing iling naman siya.

"Gusto ka ba?" Nalukot ang mukha ko at tinignan siya ng masama.

"Thad, lumayas layas ka nga sa harapan ko. Ang aga aga wag mong sirain araw ko." Pagtataray ko. Nagpunta lang ata to dito sa bahay para mang asar ih.

"Galit agad? Panong galit?" Napa face palm ako.

"Pasampal nga." Umilag agad siya nang balak kong iakma ang palad ko.

"Oh eto na eto na yung fries, iyo na." Tatawa tawang sambit niya.

*

"Nakita ko na naman si crush kasama si Sammy." Parang nangangati na isampal ko yung palad ko sa babaeng yon.

Ews, nakikicrush sa crush ko. Di ata mahal ng mama niya yon.

"Oh! eh ano naman? Selos ka?" Tumaas ang kilay ko at kaswal na tumango.

"Malamang. Tanga ka ba?" Pangbabara ko. Ginulo niya lang ang buhok ko at inakbayan ako.

"Hays Dee, wag ka na ngang umasa dyan sa crush mo. Ni-hindi ka nga pinapansin tsk." Inalis ko yung pagkakaakbay niya sa akin at naunang maglakad.

"Hoy hintay!" Paghabol niya pero hindi ko na siya nilingon pa.

Kasalanan ko bang nahulog ako sa isang taong.. imposibleng mapansin ako?

*

"Dee, galit ka ba?" Nag aalalang tanong ni Thad. Umiling lang ako at pinagtuunan ang librong binabasa ko.

"Uy Dee." Kinalabit ako nito pero hindi ko parin siya kinikibo.

Wala ako sa mood para naman tong tanga.

"Dee--" sinamaan ko siya ng tingin. "A-anyare ba? Anong ginawa ko?" Dugtong pa nito.

"Wala," tipid na sagot ko.

Nababadtrip talaga ako don sa crush kong yon. Punyeta!

"Meron e. Weh?" Sumimangot ako at nagbaba ng tingin.

"Ba't kaya sad si Dee ngayon?" Mas lalo akong natahimik.

"Hm?" Tumunghay siya sa akin at pinag aralan ang reaksyon ko. Paepal pa tong best friend ko na to, sasampalin ko to.

"Wala ngaa" sumama lalo ang mukha ko.

"Yung crush mo na naman ba?" Diretsahang tanong niya. Dahek!

"Yeah, kahalikan si Sammy." Bagsak ang balikat na sagot ko.

Ano nga bang laban ko don? Eh iyon maganda't sexy. Habang ako eto kyut lang.

"Wag mo ng ipilit yung sarili mo sa taong hindi ka naman gusto. Subukan mong pansinin yung nasa paligid mo, baka sakaling makita mo yung nagmamahal sayo ng totoo." Seryosong sambit niya.

Bigla akong napaisip sa mga salitang binitawan niya at hindi na nakapagsalita pa.

What's wrong with him?

*

"H-hi Ced, hehe." Kakamot kamot ng batok na tumingala ako sa kanya at ipinakita ang hawak kong ibinake na cake.

"I made this for you," naiilang na sabi ko. Kagat-kagat ang labi at halos hindi makatingin sa kanya ng diretso.

Nababaliw na ako sa lalaking kaharap ko, at hindi ko na mapigilan tong nararamdaman ko.

Oras na siguro para ipaalam ko sa kanya yung nararamdaman ko.

Kumunot ang noo niya at saglit na napamaang.

"Para saan?" Bakas sa mukha nito ang pagkataka. Napalunok ako nang mabasa sa mga mata niya na naiirita siya.

Parang gusto ko nalang na umatras at tumakbo palayo kaso eto na e.. this is it pansit!

"Ano kase e.. m-may gusto ako sayo Ced." 'hindi e.. mahal na nga ata kita.' Nagawa kong sambitin iyon habang diretsong nakatingin sa mga mata niya.

Gusto kong malaman niyang seryoso talaga ako. At handa akong tanggapin kung ano mang kahihinatnan nito. Ay hindi pala huhu.

Mamaaa!! What next?

"You're funny." Napangisi ito at nakakainsultong tinignan ako.

Napatameme naman ako at halos mapako sa kinatatayuan ko nang pasadahan niya ako ng tingin mula paa paangat sa aking mukha.

I'm--what? Tangina mukha ba akong nagbibiro?

"Hindi kita type." Parang may kung anong kumirot sa puso ko.

Magsasalita pa sana ako ngunit walang pasabi na itong tumalikod at umalis sa harapan ko.

Parang gusto ko nalang magdis appear habang iniikot ang paningin sa mga taong nakatingin sa akin.

"Fvck, ayokong nakikitang nasasaktan ka." Kusang tumulo ang luha mula sa mga mata ko matapos kong maramdaman na may yumakap mula sa likod ko.

"Sabi ko naman kasi sayo e, ako nalang yung mahalin mo. Palagi akong andito pero iba yung hinahanap mo." Ramdam ko kung gaano kalungkot ang best friend ko habang sinasabi niya ang mga salitang yon.

Humarap ako sa kanya para yumakap ng mahigpit. Hindi ko mapigilang mapahikbi.

I'm sorry Thad, masyado na akong nabulag sa lalaking walang ibang ginawa kundi saktan ako. Samantalang ikaw yung andito na nakikita palagi yung halaga ko.

ONE SHOTS STORIESWhere stories live. Discover now