•Pinagtagpo•

8 0 0
                                    


Title: 'Pinagtagpo'

"Sorry my princess kung hindi kita nasundo kahapon, sobrang busy lang talaga ako e." Napangiti naman ang dalaga at kumapit sa braso ng nobyo niya.

"Okay lang, diba sinabi ko naman sayo na boyfriend kita at hindi tagasundo?" Napatawa nalang sila pareho at naupo sa may bench dito sa Parke.

"Pero gusto kong palaging sunduin ang prinsesa ko, at iuwi ka sa bahay nyo." Hinalikan ng dalaga ang binata sa pisngi dahilan para mas lalong gumuhit ang ngiti sa kanyang labi.

Hindi maipagkakaila ng dalaga na napakasweet ng boyfriend niya, kaya nga habang tumatagal ay hindi niya mapigilang mas lalong mahulog rito.

Naniniwala silang sila talaga ang pinagtagpo. At walang kahit na sino ang makatitibag rito.

"Wushu! Kesa pinapakain mo ako ng matatamis na salita, pwede bang bilhan mo nalang ako ng cotton candy?" Agad na tumayo si Karl at nagpunta sa lalaking nagtitinda ng cotton candy.

"Eto na po kamahalan!" Muli silang nagtawanan matapos niyang tanggapin ang cotton candy.

Perfect couple na nga halos kung tawagin sila. Isang maintindihing dalaga at isang napakaloyal at napakalambing na binata.

*

"Good morning mahal ko! Kamusta ang tulog mo?" Pagkababa palang sa sala ni Melisa ay bumungad na agad ang boyfriend niya na nakaupo doon sa sofa.

"Ayos naman hehe" napatingin siya sa kanyang ina na nakangiti sa kanila.

"Oh siya sige na, ipasyal mo na yan si Melissa! Kesa nagkukulong siya sa kwarto niya." Inilahad naman ni Karl ang braso niya, na mabilis namang tinanggap ng dalaga.

Kakatuwang napakaginoo ng binata at halatang sobrang pinapahalagahan ang taong mahal niya.

"Prinsesa ko, sorry kung hindi ako nagparamdam sayo ng mga ilang araw. Inalagaan ko kasi si mama na nagkasakit." Malungkot na sambit ng binata. Niyakap naman siya ng nobya niya at tinakip takip ang likod niya.

"Ayos lang, naintindihan kita. Kamusta na pala si tita? Okay na ba siya?" Napatango nalang siya at inilahad ang kutsarang may laman na pagkain.

"Namiss kita prinsesa ko.." ngumuya naman ang dalaga at nginitian siya.

Hindi niya talaga maiwasang kiligin sa tuwing tinatawag siyang 'prinsesa ko' nito.

*

"Gusto mo bang magdate tayo matapos nyong magsimba ng pamilya mo?" Napatango nalang ang dalaga at nagpatuloy sa pagsusulat ng akda.

Hilig niya talaga ang pagsusulat, magmula nung bata pa siya.

"Oh sige, anong oras mo gustong sunduin kita?" Napakunot naman ang kilay ng nobya niya.

"Kahit anong oras." Walang ganang sabi niya. Hindi niya maiwasang mapasimangot, dahil hindi napapansin ng binata na sobrang nagtatampo na siya.

"Uuwi na muna ako. May gagawin pa kami ng kuya ko." Tumango nalang muli siya at pinagmasdan ang binatang naglalakad palayo sa kanya.

Minsan nalang sila magkita, at halos ilang minuto lang kung magsama.

Napapansin ng dalaga na napapadalas na ang pag alis ng binata nang hindi siya kasama.

Nagdududa na nga siya dahil parang parating nagdadahilan nalang ito kapag kausap siya.

*

"Meli, diba si Karl yon?" Itinuro ng kaibigan ni Melissa na si Lorenza ang isang lalaki kasama ng hindi pamilyar na babae.

ONE SHOTS STORIESWhere stories live. Discover now