•His Promise•

4 1 0
                                    

Title: 'His Promise'

Hindi ko mapigilang mapahagulgol habang pinagmamasdan ang kapatid kong nilalaro ang bagong manika ko. Gusto kong hablutin iyon mula sa kanya, ayun kasi ang kauna unahang manikang ibinigay sakin ni papa ko.

"Shh, stop crying my princess. Bibilhan kita ng mas marami pang ganon!"

"Promise pa?"

"Promiseee!"

"Yeeeeyyy! I love you papaaa muah"

*

Napasimangot ako habang nakatitig sa platong may lamang ko-konting kanin. Habang may ulam ngang itlog--na sunog naman ang ilang bahagi nito.

"Uh! Malungkot ka na naman princess, Ayaw mo ba ng ulam?"

"Nah, Ayos na ito papa! Atleast may nakakain."

"Hayaan mo anak, kapag nakaluwag luwag na si papa. Bibilhan kita ng fried chicken! Wieeee! Gusto mo ba yon?"

"Salamat papaaa! Promise iyan ah?"

"Oo naman!"

*

Bagsak ang balikat na umuwi ako sa bahay namin. Paulit ulit na naririnig yung mga pang i-insulto nila.

'Ahh walang papaaa!'

'Bakit kapag pinapatawag yung papa mo, lagi mong sinasabing busy?'

'Wala na ngang pakialam yung mama mo sayo, pati ba naman papa mo?'

Pilit kong itinago yung lungkot ko sa malapad na ngiti ko.

"Princess koooo! Ano? Kamusta ang school? Sorry kung hindi ako nakapunta sa meeting ah? Sobrang busy lang talaga."

Laging busy, Naiintindihan ko naman yon.

Pero bakit kailangan makaramdam ako ng ganito?

Bakit ako nakukulangan?

Bakit feeling ko hindi ako importante?

"Ayos lang yun papa.."

"Next meeting nalang a-attend na talaga ako. Promise."

*

Kinuha ko ang libro ko at nilapitan si papa na nagbabasa ng kung ano sa computer niya.

"Papaaaa!"

"Later princess, marami pang ginagawa si papa."

"Sige po,"

"Bili tayo ng sandamakmak na fries tapos bonding tayo kapag may time nako."

"Promise?"

"Oo, promise my princess!"

*

Napatulala ako habang pinapanood si mama at papa na kung mag away ngayon halos magpatayan na.

"Walanghiya ka! Sinong niloko mo? May babae ka at mga anak pa! Ganon ka na ba talaga kakati? umalis ka na dito."

"Mahal--"

"Wag mo akong ma-mahal mahal! Umalis ka! Alis!"

Tumingin sakin si papa na parang nanghihingi ng tawad. Dahan dahan namang tumulo ang luha sa mga mata ko.

"Wag ka pong umalis papa.. please"

"I'm sorry"

"Pa, wag po! Wag mo kaming iwan, wag mo akong iwan."

"Babalik ako"

"P-promise, papa?"

"Promise"

*

Napatitig ako sa picture frame na hawak ko. Kung saan nakangiting si papa ang nakikita ko.

Nagpromise kang babalik ka papa, ilang taon na ang lumipas.

Pero bakit wala ka pa?

Hanggang kailan ko ba panghahawakan yang mga 'promise' mong ni-minsan.. hindi manlang natupad.

Lahat ba talaga ng pangako, nakatadhanang mapako?

ONE SHOTS STORIESTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang