Epilogue

83 8 13
                                    


Pinag-isipan ko talaga kung isasama ko pa 'to o hindi. In the end nanaig 'yung panghihinayang ko sa draft kung hindi ko ipa-publish.

Warning: Immaturity overload... char! (not char)

______________________________


Thelistine High


"Bye mga prend."


"Bye."


"See y'all tom."


Sunod sunod na paalam nina Nathe, Nikko, at Joshua. Maya-maya pa, Millie nudges me.


"Una na rin ako, Caile."


Tumango ako sa kanya saka binalikan ang bag ko. Kanina lang naibigay sa section namin ang key ng bagong lockers namin at dahil tamad akong mag-uwi ng mga libro, ngayon palang ay inaayos ko na ang mga gamit na iiwan ko sa locker ko.


Saktong mailabas ko lahat ng kailangang ilabas at masara ang bag ko ay tinawag ako ng adviser namin.


"Yes, ma'am?" Tanong ko na lumapit sa table niya. Inalis ko pa ang earpiece sa kanang tainga ko para marinig siya ng maayos.


"Caile, pasuyo naman na pa-pagpag ng eraser ko, please? Pataktak na rin ng laman ng chalk box." Napatingin ako sa chalk box niya na puno ng chalk dust. Kahapon lang nagstart ang klase pero ang itsura no'n parang pang year-ender na. "Doon ka sa balcony ng second floor South wing, okay?" Dugtong niya hindi pa man ako umu-oo, pero sabagay, sino ba namang estudyante ang tumatanggi sa utos ng teacher?


Ako sana kaso nahiya ako bigla lalo na hindi naman ako binigyan ng option na tumanggi.


"Okay po." Sagot ko saka kinuha ang chalk box na eraser at alikabok lang ang laman. Isinuot ko rin uli ang earpiece sa tainga ko.


"Thank you. Pakidaan na lang sa'kin sa faculty room."


Nauna siyang lumabas ng classroom habang hinanap ko pa sandali ang panyo ko. Ayoko namang singhutin kalahati ng alikabok sa oras na ipagpag ko 'to. Nang makita ang hinahanap ay bumaba na ako sa second floor. Likod na ng building ang dulo ng South wing kaya halos walang student dito. Ang maliit na balcony na nakaharap sa bakanteng lote sa likod ng school ang karaniwang spot na pagpagan ng mga ganitong eraser, wala naman kasing nagagawi sa baba no'n.


Inumpisahan ko ang gagawin dahil kailangan ko nang makababa. Nasa labas na ang sundo ko at kasabay ko si ate Chelsea umuwi ngayon, kapag nabagot pa ng kaunti 'yon doon ay baka topakin na 'yon.


Una kong tinaktak ang laman ng chalk box at sinunod ang eraser. As expected ay kumalat ang alikabok sa paligid nang ipagpag ko 'yon sa pader sa labas ng balcony kaya naman todo iwas ako ng mukha habang mahigpit ang pagkakatakip ko sa ilong. Nang sa tingin ko malinis na ang eraser ay tinapos ko na 'yon saka pinagpagan sandali ang kamay ko.

Wayward LoveUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum