Wayward Love 7

45 10 1
                                    


Fiona Innaia Taverras


Wednesday and it's the day one of the week na makakasama ko si Caile sa klase because today's our Elective subject. 


First subject namin ni Selene ang World Literature today habang second subject na ito ni Caile for today, dahil doon nauna kami ni Selene sa room. An hour before the scheduled time ay nasa room na kami, at hindi ako ang may kasalanan no'n, si Selene. She's too enthusiastic dahil classmate namin sa klase si Morris.


Simula kaninang pag-upo ay hindi na niya binitawan ang mirror na hawak niya. Selene may be shy and timid most of the time pero naglalaho iyon at nagiging kaugali niya si Stella pagdating sa crush niya. 


"Saan siya umupo last meeting, Nia?" tanong niya out of the blue. 


Mula sa pagbabasa ng textbook ay napunta sa kanya ang atensyon ko, sandali kong nilibot ang paligid habang inaalala kung saan ba umupo si Morris. 


"Dito ata, sa likod ko." sagot ko na itinuro ang upuang nasa likod ko. 


Nagulat ako nang bigla niyang kunin ang bag niya at mabilis pa sa alas-kuwatrong lumipat sa katabing upuan na tinuro ko.


"Dito muna ako sa tabi no'n uupo, girl. Baka sakaling maisip niyang dito uli pumwesto, at least katabi niya ako."


Napailing ako.


Later on unti-unting napuno ang classroom, pero hindi ko pinansin iyon maliban nang dumating na rin si Caile. Kahit nasa textbook ang paningin ko ay nakilala ko siya mula sa peripheral vision ko, dahilan kaya agad akong lumingon sa may pinto para kunin ang atensyon niya.


Agad din siyang lumapit sa'kin, inalis ko ang bag ko sa katabi kong upuan, I really reserved this spot for him. Pagkalapit ay yumuko siya para halikan ako sa noo. Nang umupo siya sa upuan ay saka ko lang napansin na hindi siya nag-iisa, may kasabay siya.


"Hi, Nia!"


Ngumiti ako kahit nagtataka kung bakit siya kasunod ni Caile.


"Hello, Quinsiel."


Pumili siya ng upuan sa second row at pumwesto sa chair na katapat ng kay Caile. Inilapag niya ang bag doon pero hindi agad siya umupo.


"Classmate ko rin pala kayo ni Caile dito, nakakatuwa naman. This is my first meeting with this subject dahil wala kami two weeks ago, at hindi rin ako nakapasok last week."


Tumango ako, "Is that so? It's okay, nasa adjustment period pa naman tayo last week and today palang din mag-i-start ang lesson, you're just on time."


She expressed her gladness in an exaggerated way. "Oh, really?! That's great, akala ko ay may na-miss na akong klase."

Wayward LoveWhere stories live. Discover now