Final Chapter

82 9 24
                                    


Melissa Ganlie Reyes


"Are you sure babalik sila?" Naiiritang na tanong ko kina Joshua.


It has been two hours simula nang mawala raw sina Caile at Renz. Hindi ko alam kung anong ginagawa ng magagaling na 'to at ni hindi man lang nila napansin 'yon. It makes me anxious even more na hindi namin pwedeng sabihin sa iba because we don't want to cause ruckus especially na nang i-contact nila si Renz, nagsabi naman daw si Renz na sandali lang silang mawawala.


Pero hindi sandali ang dalawang oras! Mahabang oras na 'yon lalo na sa ganitong occasion! Tapos hindi naman nila sinabi kung saan sila pupunta.


Tiningnan ko itong apat na tangang nandito. Dahil wala rin silang alam ay halata ang pag-aalala sa mukha nila. Nagtitiwala lang sila sa sinabi ni Renz na babalik din sila.


Lumapit sa'kin si Josh, he tried to reach for my arms but I immediately flinched away.


"Megan naman, magchill ka nga."


I glanced at him sharply. "You expect me to do so when hindi niyo nga alam kung anong oras sila babalik? What if Caile ran away and Renz is just buying him some time?"


"Hindi gagawin 'yan ni Caile, Meg." Sagot ni Steven.


Nilingon ko rin siya. "I hope so." Labas sa ilong kong sagot.


Minutes pass slowly. Ganito 'yon kapag may hinihintay ka, eh. Napakabagal ng oras. Pero kapag napakarami mong ginagawa at hinihiling na huminto sandali 'yon, saka naman bumibilis. Crap.


When I thought I couldn't take the tension of waiting anymore, nagdecide akong tumayo at lumabas na ng kwarto.


"Saan ka, Megan?" Tanong ni Nathe.


"Kay Aimee." Sinulyapan ko sila. "Don't worry, I won't say anything." Dugtong ko bago lumabas ng room.


Caile better gets back or I'll persuade Aimee to skin him alive. Idadamay ko na rin si Renz.


Pero nakakastress 'tong kasalan na 'to. Si Aimee ang biglang umalis noong nakaraan nang walang nakakaalam kung saan siya nagpunta tapos ngayon si Caile naman. Alam kong pamilya nila ang nag-initiate ng kasal na 'to pero kung ayaw talaga nila ay panindigan sana nilang ayaw nila.


Napatingin ako sa wrist watch ko, wala nang dalawang oras bago kami magpunta sa simbahan. Kapag si Caile talaga...


I feel someone's approaching kaya nag-angat ako ng tingin sa empty na hallway and relief immediately flooded me when I saw Renz. Kaagad akong lumapit sa kanya at sa magkahalong gulat at inis ay hinampas ko siya ng malakas sa braso. Napaatras siya.


Sorry, Nathalie. Hindi mo naman malalaman, eh.


Wayward LoveWhere stories live. Discover now