Wayward Love 44

64 8 14
                                    


Aimee Farrelle Viero


"You're here."


Sandali ko lang napagtuunan ng pansin si Tamarra na kakauwi lang ngayon.


"Kararating mo lang?" Tanong niya pa.


"2 minutes ago." Maiksing sagot ko at papasok na sana sa room ko after uminom ng tubig nang magsalita uli siya.


"I bumped into Caile earlier, bago umuwi. Tinatanong ka niya sa'kin." I automatically stop on my track. "Last week ka pa niya hinahanap and kanina naisip ko sanang ayain na lang siya rito since parang may impor—"


"Don't!" Marahas kong sagot even before I could control myself. Nagulat siya at napahinto sa ere ang baso na hawak niya. I was taken aback at mabilis na inayos ang sarili. Napaiwas ako ng tingin at natuon iyon kung saan, naghahanap ng paliwanag sa kawalan. "I mean..."


Nagulat ako nang padabog niyang ibaba ang baso na hawak, gumawa iyon ng ingay. Bumalik ang paningin ko sa kanya at mas lalong nagulat nang makita na matalim ang pagkakatingin niya sa'kin.


"It's Caile." She stated as if sure of something. I don't know if she's talking to me or she's talking to herself pero bigla akong nanlamig. "He fathers that baby." Aniya at sandaling bumaba ang paningin sa tiyan ko.


Instinctively tinakpan ko iyon ng shoulder bag na hanggang ngayon ay nasa balikat ko pa. Nangapa ako bigla sa isasagot. I feel lost while looking at her. Hindi ko magawang itanggi ang sinabi niya dahil sa gulat.


Napatingin ako sa kamay niya nang bigla niyang kunin ang phone niya. Nang ibalik ko ang paningin sa kanya ay sa akin pa rin siya nakatingin. My breath shortens as tension rises up through my body. Kinabahan ako bigla.


When she opened her phone, I automatically tossed my bag on the side saka nagmamadaling lumapit sa kanya. More or less I already have an idea sa balak niya.


"Tamarra—"


Umiwas siya at lumayo sa akin.


"Siya, di'ba?"


"No!" I insisted. "You sound absurd!"


"And you sound defensive! Nakakapagdudang dalawang beses ka na niyang hinahanap sa akin. Palalampasin ko na sana but your reaction earlier was the biggest giveaway. You sound alarmed at the mere mention of him and I am not as stupid as you think I am, Aimee! I could speculate and now I'm almost certain that it is his!"


She accidentally learned about my pregnancy a week ago but even though she's persistent in asking about who's the father, I never gave him a name. I never explained. I never cared kahit pinagbabantaan na niya akong sasabihin kay dad ang tungkol dito anytime soon.


Sa isip ko ay wala na akong pakialam kahit malaman pa ng pamilya ko. Kahit sino pwedeng malaman ang tungkol dito basta ba ang taong iyon ay hindi direktang konektado kay Caile.

Wayward LoveDove le storie prendono vita. Scoprilo ora