Wayward Love 4

44 10 1
                                    


Caile Christian Lajara


"Hindi niyo binalita sa'kin ang nangyari." akusa ko sa mga kaibigan ko nang malaman kong alam nila ang tungkol sa masamang balita.


"Paano namin gagawin kung ngayon ka lang namin nakita uli." sagot agad ni Nathe.


"Nagtext ako ah." si Joshua naman.


"Late ko nang nabasa ang mga text niyo, kahapon lang ng hapon."


"Nanggaling ka na raw sa ospital, anong nangyari?" tanong naman ni Renz. 


Lunes at magkakasama kaming naghihintay dito sa gazebo, hinihintay naming matapos ang mga morning class ng mga babae. Si Stella lang ang babaeng kasama namin dito, na sumama sa'min dahil nakitang nandito si Steven.


Cancelled ang afternoon classes ngayong araw dahil magkakaroon ng misa para ipagdasal ang fast recovery ng director ng Thelistine High, at para na rin alayan ng dasal ang asawa nito. Dito rin pormal na ipapaalam ng presidente ng university ang kasalukuyang kalagayan ng kapatid nito at bahagyang ipapaliwanag kung anong nangyari sa mga ito. Kalat man kasi ang balita ay hindi naman lahat ay alam ang detalye ng nangyari.


"Under observation pa rin ang director. Si Tamarra ay hindi makausap ng maayos. Shocked pa rin siya sa nangyari sa parents niya, lalo na sa mama niya."


"Naiisip ko palang ay naaawa na ako sa kanya. Tamarra doesn't deserve this." si Steven, kaklase niya si Tamarra kaya nasabi niya iyon.


"Nobody does, Steve."
sagot ko sa kanya.


"So, who's with her now that her father's in ICU and mother's in..." hindi tinapos ni Stella ang tanong pero nagets naman namin kung anong gusto niyang itanong.


"May mga relatives na umaasikaso sa kanya. Plus her uncles, sir Emil's brothers." sagot ko at tumango sila.


Maya-maya pa ay nagsalita si Renz.


"Anyway, tingin ko nasa burol kami mamaya. Sir Emil is Allie's parents' friend, syempre kilala rin nila ang asawa nito."


Napalingon ako sa kanya, "Oh, so see you later kung gano'n. Pupunta rin kami ni ate Chels mamaya, isasama ko si Nia."


"Ano, kayo lang? Sabay sabay na tayo mamaya." singit ni Nathe at lahat kami umagree.

***

Nang matapos ang mass ay nagdecide naming sabay sabay nalang na pupunta doon sina Megan, Ishii, Nia, Stella, at Selene. Habang kami kami nina Nathe, sina Nathalie at Renz lang ang hindi sasabay dahil pupunta rin ang parents ni Allie at ang oras ng pagdating nila ay nakadepende kung anong oras pupunta ang parents nito.


Iisa kami ng condo building ni Steven, magkaiba lang ng unit at floor. Dahil tinamad nang umuwi sa condo nila sina Josh, Nikko, at Nathe ay nagdecide silang makiligo nalang sa'min at makihiram ng damit. Na wala kaming choice kung hindi pahiramin.

Wayward LoveWhere stories live. Discover now