Wayward Love 23

57 10 61
                                    


Aimee  Farrelle Viero


"You're smiling like an idiot, Aimee."


Nagulat ako bigla dahil sa dalawang rason. Una ay ang biglang paglitaw ni Tamarra mula kung saan, nakakunot ang noo at nagtatakang nakatingin siya sa'kin. Pangalawa ay hindi ko alam na nakangiti ako, hindi ko naramdaman maliban nang alisin ko iyon sa mukha ko. 


I immediately composed myself saka humarap sa kanya.


"Do you need something?"


Pero hindi niya pinansin ang tanong ko at mas kumunot lang ang noo niya.


"Why are you smiling, mag-isa ka lang naman?" bigla niyang binalingan ng tingin likuran ko. I got worried that she might see Caile at ma-conclude kung anong dahilan ng pagngiti ko, dahil doon ay hinila ko siya papasok sa Thelistine. "Aray, Aimee, sandali." piglas niya pero hindi ko siya binitawan hangga't hindi kami nakakapasok sa university. 


Nang bitawan ko siya ay humarap uli ako sa kanya. "Do you need anything?" pag-uulit ko sa tanong.


Halatang gusto pa niyang pagtanong but she drops it already saka sinagot ang tanong ko.


"It's good that I bumped into you, magpapaalam ako. Uuwi ako sa bahay today at baka sa sunday na ako bumalik. Nagpasabi lang ako dahil baka magulat ka na hindi ako umuwi ng ilang araw."


Tinaasan ko siya ng kilay. "Uuwi ka in the middle of the week? Wala kang balak pumasok?"


"It's our department week, wala na akong kailangang gawin for the rest of the week kaya uuwi na lang ako. I miss papa already."


Bigla akong nakaramdam ng inggit, hindi doon sa uuwi siya kung hindi doon sa magkakaroon siya ng ilang araw na pahinga. Gusto ko rin no'n.


"Alright." walang magawang sagot ko.


"Kaso nag-aalangan ako. I mean, your food..."


"I can cook my own food, Tamarra."


"But you don't know how to open the stove."


Iyon lang


I can really cook simple dishes dahil tinuruan ako ni granny noong nasa Texas ako but I can't really lit up a stove. Nagugulat kasi ako kapag lumalabas iyong apoy, pakiramdam ko maaabot iyong mukha ko kaya natatakot akong magbukas no'n.


"Sabi sa'yo we should buy an electric stove na eh." paninisi ko.


"Sabi rin sa'yong it cooks slower than the gas stove."


I rolled my eyes. "Whatever. I can manage alone, umalis ka na kung aalis ka."

Wayward LoveWhere stories live. Discover now