Wayward Love 2

42 11 4
                                    


Note: update is a day late, I'm sorry =(


Third Person


While Caile is in Cebu and Nia is in Rizal for their documentary, their friends are in their Elective subject class na sinadya nilang pare-parehong kunin this semester. Its schedule is on Saturdays, from 1:30 pm to 4:30 pm, the subject is Philippine Literature.


Plinano nilang iisa ang kunin na Elective nang malaman nilang lahat sila ay mayroon no'n ngayon semester, that is to experience once again being in the same class even for the last time. Sabay sabay silang nag-enroll para lang masigurong makakasecure sila ng slot sa Phil Lit, at okay na sana kung hindi lang nagkamali ng inenroll sina Caile, Nia, at maging ang dorm mate ni Nia na si Selene na naging friend na rin nila.


Dahil hindi nila kasabay ang tatlo nang mag-enroll sila, nagkaroon ng miscommunication at World Literature ang naenroll ng mga ito, its schedule is every Wednesdays and Thursdays from 10am to 11:30am.


Since magkakaiba sila ng kinuha na course, bibihira nalang silang magkita-kita, lalo na at ng kumpleto, muntik na sana silang mabuo kung hindi lang dahil sa miscommunication na nangyari.


Steven, Nikko, Renz Milliano, Nathalie, Ishii, and Megan are all in the cafeteria, doon sila dumiretso after ng first meeting nila sa Philippine Literature subject nila, para magmerienda. Nathe and Josh ordered for all of them kaya nasa counter ang dalawa habang sila ay naghihintay sa lamesa.


"Stevenitis, bakit ka na-late?" Nikko asked while waiting for their food.


Napalingon din si Renz kay Steven nang marinig ang tanong, "Yes, you were 30 minutes late. Kung hindi lang unang meeting ay baka hindi ka pinagbigyan ng prof., medyo masungit prend."


"Hindi ko naman sinadyang ma-late, natagalan lang ako sa department of Psych kanina."


"May class ba sina Nia ngayon? Ayain natin sila mag-merienda." suggestion ni Ishii.


"Walang pasok si Nia today, sabado at linggo ang rest day niya. Pero alam ko naghiking sila today ng mga ka-block niya because of a certain documentary" sagot ni Nathalie kay Ishii, "Hindi ko lang alam ang kay Caile."


Nagkibit-balikat si Nikko, "Sa pagkakaalam ko wala sa campus ang block nina Caile buong linggo ngayong linggo, may company tour sila sila at sa Cebu ang last stop."


Nanlaki ang mata ni Ishii, "Company tour, for real? Ang gara naman no'n." napapitik siya. "Sayang hindi ko nalaman ng maaga, edi sana nakahirit ako ng pasalubong sa kanya." kunwaring napasimangot si Ishii. Nangalumbaba siya sa lamesa.


"Don't worry, Ishii girl, ako nang gumawa para sa'ting lahat."


Napalingon sila nang marinig ang sumabat na boses ni Josh. And here he is with Nathe at dala ang pagkain nila. 


Wayward LoveDonde viven las historias. Descúbrelo ahora