Wayward Love 18

44 11 2
                                    


Fiona Innaia Taverras


"Nia, let's have a break." 


From my seat, napalingon ako sa pinanggalingan ng boses ni Selene. She's walking towards my direction kaya hinintay ko na lang muna siyang makalapit bago sumagot. Sinilip ko na rin ang wrist watch ko. It's already 1pm na pala.


"Let's eat?" aya ko nang makalapit siya.


"Sa cafeteria na lang?"


Nagkibit balikat ako. "Hindi tayo pwedeng mawala ng matagal, so yeah, doon na lang. Magpaalam muna tayo sa iba."


Sabay kaming tumayo at kinuha ang wallets namin while iniwan na lang namin ang bags. Hindi naman aalis ang mga ka-block namin dito sa room dahil nakaschedule kami dito hanggang mamayang 3pm. Wala rin namang posibleng gumalaw no'n sa kinalalagyan nila.


"At past 1pm, puno pa rin ang caf?" takang tanong ni Selene nang makapasok kami sa cafeteria. Puno pa rin ng students iyon, halos wala kaming makitang vacant table.


"Hindi naman sabay sabay ang break ng bawat courses." sagot ko na lang saka nilibot ng tingin ang paligid. Saktong may nakita akong students na patayo na at nililinis na ang pinagkainan nila. "Ayun, Selene. Kukunin ko na iyong vacant table, ikaw na lang ang mag-order for us. I want a heavy meal, combo B2 and taro shake for drinks. Thanks!"


"You left me with no choice but to answer 'okay'" she answered sarcastically before breaking into an amused laugh. 


Tinawanan ko na lang siya. Naghiwalay kami as she walks toward the counter while nilapitan ko na ang table bago pa may mauna roon. Medyo matagal din akong naghintay, mahaba rin kasi ang pila. When I tried to peek at the side of the counter, nakita kong papalapit na pala siya bitbit ang tray na may lamang pagkain. 


Biglang napatuwid ang likod ko mula sa pagkakaupo pero hindi dahil sa paparating na siya, dahil iyon sa nakita ko si Aimee mula sa likod niya.


She's holding a tray too at naghahanap ng vacant table. Napatayo ako.


"Aimee!"


Agad siyang napalingon sa'kin. Napansin ko pang napahinto si Selene at napalingon sandali sa likuran niya bago nagpatuloy na lumapit. Kinawayan ko naman si Aimee at sinenyasan na lumapit. Which she obviously did with hesitation.


Ngumiti ako sa kanya nang makalapit siya. "Medyo mahirap humanap ng table, join us here na lang, dalawa na lang kami ni Selene." aya ko.


Sandali niya akong tinignan, nang mag-iwas siya ng tingin ay saka siya sumagot.


"Okay."


Dahil doon ay sinenyasan ko si Selene na lumipat sa tabi ko, which she immediately did. Inayos namin ang kanya-kanya naming pagkain sa table at sunod-sunod na umupo.

Wayward LoveWhere stories live. Discover now