Wayward Love 17

59 12 3
                                    


Melissa Ganlie Reyes


We got dismissed early for our supposed 6 hours classes so now I am here at the lobby of college of medicine, waiting for Joshua to finish his class para masamahan ko siya sa mall, may bibilhin daw kasi siya doon.


I am randomly roaming my eyes nang biglang mapako iyon sa isang pigura. Kasabay ng gulat nang makita ko kung sino iyon ay ang sandaling paninigas ng likod ko. Naramdaman ko ang biglang pagtibok ng puso ko na para bang importanteng tao ang nakita ko... like an artist, celebrity, or something. Basta taong imposibleng basta mo lang makikita sa kung saan.


In reality, si Aimee lang naman ang nakita ko. Still, I am shock. Dumaan siya malapit sa kinauupuan ko wearing a white uniform and holding a kit, isa pa iyon sa bagay na ikinagulat ko.


I didn't know she's a student under this building. 


Bigla akong napatayo bago pa siya mawala sa paningin ko at mabilis siyang sinundan, dahil maluwag ang hallway ay agad ko siyang naabutan.


"Aimee." tawag ko nang may ilang hakbang na lang ang layo niya mula sa akin. 


Huminto naman siya at nilingon ako. Sandali lang siyang nagulat nang makita ako, nawala iyon nang tuluyan siyang humarap sa'kin.


Nginitian ko siya at sandaling tinignan ang white uniform na suot niya and kit na hawak niya.


"What course are you taking?"


Sandali pa siyang napatingin sa hawak niya bago sagutin ang tanong ko.


"Medtech." 


Muntik nang mapataas ang kilay ko. No, not that I'm mocking the course. Nagulat kasi ako na iyon ang kinuha niya. Noong high school I thought she's into arts. 


"I see. Uhm, tapos na ang class ko for today... how about you?"


Napakurap siya sandali habang nakatingin sa'kin, siguro iniisip kung anong gusto kong mangyari.


"Kakatapos lang ng huling class ko."


Napangiti ako lalo. "That's good. Can I invite you out? I hope you can spare me your time."


"Right now?"


"Kung hindi ka busy." kibit balikat kong sagot.


"Sure." maiksi niyang sagot. "Dadaan lang ako sa sandali sa locker area."


"Samahan na kita."


Tumango lang siya at naunang tumalikod para maglakad uli. Mabilis naman akong sumabay sa kanya. Pareho kaming hindi nagsasalita habang papunta sa locker area ng Medtech students 

Wayward LoveDär berättelser lever. Upptäck nu