Wayward Love 22

61 11 46
                                    


Caile Christian Lajara


3 pm at TME Cafe, see you there!


Pagkabasa ng text mula kay Kliox ay agad kong itinago ang phone saka tinignan ang oras. The message was sent an hour ago pero ngayon ko lang nabasa, it's a good thing na 2:30pm pa lang, hindi ako mahuhuli.


Kagabi pa lang nagpasabi na si Prof. Guevarra through Morris na hindi ito makakapasok sa klase namin ngayong araw, dahil doon ay wala nang pumasok doon kanina. Pero kailangan pa rin naming magmeeting para sa project kaya naman napagkasunduan na magkikita kita pa rin kami ngayong araw, ang lugar ay sasabihan na lang kami kung saan. 


Eto na nga, nagpasabi na sila.


Sinimulan ko nang iligpit ang module ko maging ang ibang mga gamit, binalak kong mag-umpisang mag-aral para sa midterm exams kahit dalawang linggo pa naman bago iyon pero ngayong nandito na ako, wala rin naman akong nagawa. Tinamad akong mag-aral.


Tapos magcacram ako sa midterm week, magaling.


The Mug Express Cafe is just a walk away from the university kaya pinili ko na lang maglakad papunta roon. Pagdating ay nandoon na rin ang iba, naghihintay. Sa 11 na dapat ay nandito ay may anim pang kulang, limang minuto na lang bago mag-3pm.


Since everyone's busy finishing reading the manuscript, ganoon na rin ang ginawa ko, ang ipinagkaiba lang ay halos paumpisa pa lang ako habang sila ay patapos na.


"Oh, hindi mo rin natapos?" nakangiting tanong ng isang kagrupo ko nang makitang inilabas ko sa envelop ang script.


"Honestly, I'm just about to start it."


"Oh, lakas." natatawang sagot niya saka binalik ang atensyon sa hawak, ganoon na rin ang ginawa ko.


Imbis na basahin ng buo ang kwento, na siguradong hindi ko magagawa bago mag-umpisa ang meeting na 'to, ay ini-scan ko na lang ang bawat page, kumukuha ng idea kung paano tatakbo ang istorya. Nangangalahati pa lang ako nang dumating ang huling tatlong hinihintay, sina Quinsiel, Aimee, at Morris. Sabay sabay silang dumating.


Lahat kami ay ibinaba ang script na hawak.


"Caile, I messaged you. Sabi ko sabay tayo, nandito ka na pala." may himig ng tampo na ani Quinsiel pagkalapit na pagkalapit sa table namin.


Here she is again, acting as if we're close. 


"I didn't notice." sagot ko na lang.


Naupo silang tatlo sa magkakaibang pwesto. Morris, being the leader, leads the meeting. Today's agenda is the casting, dahil 11 lang naman kami sa grupo, sigurado raw na lahat kami ay magkakaroon ng role. Ang ipagkakaiba na lang ay ang laki o liit ng role na makukuha mo.


I don't really wish to be part of the cast pero dahil sinabi na nga niyang lahat ay magkakaroon ng role, hiling ko na lang na sana maliit lang ang sa'kin. Mas gusto kong magtrabaho behind the camera. 

Wayward LoveWhere stories live. Discover now