Wayward Love 10

57 10 5
                                    


Advance updates bec magbabakasyon muna is me at hindi stable ang internet connection sa province.

_____________________________

Fiona Innaia Taverras


Days seem to pass really quick, parang last week lang ay Elective class namin tapos today ay Wednesday na uli, Elective day uli.


Normally, I would find an Elective subject ordinary, nothing special and nothing to be excited about. Pero since this semester started, I am consistently looking forward to it na, and that is because it's the only subject I share with Caile. 


Nataong wala ang professor sa first subject niya kaya sinabayan na niya akong pumasok sa room kung saan ang Elective class namin. It's already quarter to 10am at 15 minutes nalang before magstart ang class pero kapansin-pansing kakaunti palang ang nasa room, ni hindi pa nangangalahati para sa klase na compose of 40 students.


Pareho naming napili na umupo sa 4th row kahit maraming bakante sa harap.


"May klase naman, di'ba?" takang tanong ni Caile.


Hinarap ko siya at tumango, pero kahit ako ay nagtataka rin.


"Baka late lang ang iba."


Hindi na siya sumagot at nagsettle sa pag-upo, inilabas ko naman ang binder and pen ko.


Minutes before the time ay dumating si Selene, Quinsiel, at isa pang kaklase namin na hindi ko pa alam ang pangalan. Pero kahit ganoon ay hindi pa rin kami umaabot sa kalahati.


What's with today's weather at parang marami ang absent?


At exactly 10am ay dumating si prof. Guevarra, papasok palang ay parang natigilan na siya at nilibot ng tingin ang buong klase. Sa pagtataka namin ay lumabas siya uli at sinilip ang room number ng classroom, matapos matitigan ito ng ilang segundo ay bumalik siya sa loob. Kapansin pansin na ngayon na medyo hindi siya natutuwa.


"This is my World Literature class, right?" sinagot namin siya ng mahinang yes. "And the class starts at 10am, right?" nag-yes uli kami, mas mahina na dahil siguro ang iba ay kinakabahan na. "Then where are the others?" nangiwestsyong tanong niya at walang sumagot sa'min, hindi rin naman kasi namin alam. 


Napayuko nalang ako sa binder ko saka bahagyang sinulyapan si Caile. Diretso siyang nakatingin sa harap, buti pa siya mukhang hindi natatakot. 


Lumapit na ang prof. sa table niya para ilapag ang mga gamit pero hindi siya umupo doon, and instead tumayo lang sa tabi ng lamesa saka kami sinuyod ng tingin.


"All of you, occupy all the seats in front. Now."


Hindi pasigaw pero may authority na utos ni prof. Guevarra. Agad kaming tumalima. Si Selene ay nakita ko pang pumwesto sa first row dahil may bakante pa roon. Kami ni Caile ay parehong napunta sa second row, saktong nasa harap ko lang si Selene, sa harap ni Caile ay nandoon si Quinsiel na hindi na kailangang gumalaw dahil kanina pa talaga siya nakaupo roon. Nang makapagsettle ay halos lahat kami ay nilibot ng tingin ang class room. Sa lima rows na meron dito ay dalawa lang ang na-occupy namin, sa row nga namin ay may vacant pang isang seat, nasa tabi iyon ni Caile. Ganoon kami kaunti ngayon.

Wayward LoveWhere stories live. Discover now