Wayward Love 13

61 10 5
                                    


Fiona Innaia Taverras


"Nia, hindi ko pa rin gets eh."


Mula sa pagchicheck ng syllabus ay napalingon ako sa kanya. Right now we're reviewing for tomorrow's recitation sa isang major subject namin.


"Iyong alin?"


Ibinaba niya ang pen na hawak niya saka mas humarap sa'kin. We're in our study area dito sa dorm, magkatalikuran ang table namin pero ngayon pareho kaming nakalingon sa isa't isa.


"Is there anything special with the new student? Bakit kilala nina Steven? And hindi lang iyon, parang they find it absurd and unbelievable pa. Have you seen Josh's reaction? Gulat na gulat eh, and I don't think he's exaggerating it."


Sandali akong hindi nakasagot, kunwaring yinuko ko nalang uli ang papel na hawak pero wala naman doon ang isip ko. She's still waiting for an answer and inside my mind I know na madali lang namang sabihin kung sino ang babae, pero nahihirapan akong magbanggit ng kahit anong tungkol sa kanya.


I just managed to act normal earlier pero honestly, inside me, I'm shocked too. Hindi ko naman inaasahan na totoo pala ang una kong naging ideya kung sino ang Aimee na tinawag ni Steven sa corridor. I thought my imagination was just running wild.


Pinili ko munang sagutin si Selene before I entertain the thoughts inside my head.


"We can ask them some other time."


Tumango siya. "But actually, Josh and rest's reaction are just secondary. Sa classroom palang kanina, simula pagpasok niya, lahat ng attention nasa kanya na. At hindi lang basta basta attention, it was an extra attention that was given to her."


I noticed it too. Napakamot ako sa gilid ng pisngi ko, I don't know what to answer.


"Well... she's beautiful. That's why." alanganin kong sagot, para lang may masabi.


"Ah, yeah. The kind of beauty that has an aura of mysteriousness. I'm getting that vibe from her." sandali siyang nag-isip, I guess para kumpirmahin sa sarili ang sinabi niya. After a while a humarap uli siya sa'kin saka tumango, "Yes, that must be it."


Natawa ako. "Gumagana ang pagkanovelist mo. Sa novels ko lang nababasa ang ganyang klaseng description. You could have said she's beautiful and that's it. Need not to complicate." naiiling kong sagot saka binalikan ng tingin ang papel na hawak ko.


Natawa na rin siya. "That is my impression of her eh, what could I do?"


Napailing ako. "Let's just study, Selene. You wouldn't want to get an F, would you?"


"Never!"


Agad siyang tumalikod at bumalik sa lamesa niya. Nailing uli ako. Binalik ko uli ang atensyon sa reviewer pero hindi pa man nagtatagal ang paningin ko doon ay biglang namang tumunog ang phone ko.

Wayward LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon