Wayward Love 46

50 9 2
                                    


Aimee Farrelle Viero


"Aimee, you're looking great."


That's a random compliment and it caught my attention. Nilingon ko ang kaklase na nagsabi no'n.


"What do you mean?"


She shrugs off her shoulders. "Wala naman, I've noticed lang na you're blooming. I mean, maganda ka na, gumaganda pa lalo even though we are all stressed. Life is unfair sometimes, may favorite." 


I don't know what to react to that so I opt to shrug it off and make it looked like I'm busy to even reply. But on second thought, I am really busy facing my laptop and doing the preliminary pages of my thesis. Nakishare lang siya sa'kin ng table and later on kinausap na ako bigla.


"You've got yourself a boyfriend, 'no?" Tanong niya pa at napilitan akong harapin uli siya.


"I've got none." Sagot ko sa bagot na tono saka hinarap uli ang ginagawa. Wala ako sa mood manungit.


"Really?! Uhm, since wala... ano, I have a friend. He's a guy, he likes you for a while now and when he learned na classmate kita, he made a request to ask you if you can perhaps meet him. One time lang or depende kung anong mangyayari sa first meeting niyo."


Napatigil at sandali akong napatitig sa screen ng laptop habang pinag-iisipan ang sinabi niya. This girl is sly. Ngayon ko narealize kung para saan ang naunang claim niya about me having a boyfriend. 


I keep myself from rolling my eyes saka nagkibit balikat. "Sure." Bale wala kong sagot at halos mapatalon siya sa kinauupuan na para bang siya ang ginawan ng pabor.


"Really? Oh my God, thank you! He's bugging me for weeks now and ngayon lang naman kita nakita kaya ngayon ko lang nasabi. Ako nang magsiset ng date, how about tomorrow?"


"Kahit mamaya, it's fine." 


Hindi naman kailangang paghandaan ang pagreject sa isang tao.


Nagulat pa siya. "Oh, I didn't know you're into this kind of thing. I thought you are a snob."


Hindi na ako sumagot doon. 


"But, it is really okay, Aimee?" Paniniguro niya bigla. "I mean, si Morris? Wala ba kayong relationship or something."


Dahil doon ay nag-angat ako ng tingin at baffled na tiningnan siya. "Morris?"


After a while, ngayon na lang uli siya pumasok sa isip ko.


Tumango siya. "Yeah. Honestly, akala ng marami may something sa inyo. Ang kaso after ng Foundation day, wala na uling nakakita sa inyo na magkasama. Na-mention ko lang siya ngayon kasi ayun siya oh." Biglang senyas niya sa kung saan and unwittingly my head turns to the direction she pointed.

Wayward LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon