Wayward Love 15

68 11 19
                                    


Caile Christian Lajara


She was already standing nang lingunin ko siya, parang nakahandang habulin ako kung sakaling hindi ako huminto. Hindi ko alam kung anong dahilan niya at pinigilan niya ako kaya ngayon ay nakatingin lang ako sa kanya, hoping na kusa niyang ipapaliwanag ang sarili niya.


When she felt that I won't leave anymore ay napaayos siya ng tayo. Her face is still blank so does her eyes, tuloy ay hindi ko mahulaan kung may sasabihin ba siya o kung ano 'yon.


"Why?" I ask after a while. Tuluyan na akong humarap uli sa kanya but still keeping our distance.


"Don't you feel bullshit whenever we're trying to avoid each other?" diretsong tanong niya na may bahid ng amusement ang boses. Nang tignan ko uli ang mata niya ay napansin kong bahagyang nakaarko pataas ang kilay niya. Anyone who will see her now might feel intimidated immediately.


"What do you mean?" lito kong tanong.


"You do little jump scares every time aksidenteng nagkakalapit tayo. And I can't look at you straight in the eyes for too long kahit nagsasalita ka lang naman at ang intensyon ko lang ay pakinggan ang sinasabi mo. I feel uneasy around you and I believe you too around me. Unfortunately, you're my seatmate in a class, at hindi pa nagtatapos doon, groupmate rin kita so whether we like it or not, magkakasama tayo for the whole sem and it includes many interactions, don't you think we should settle this unwanted and uncalled for awkwardness?"


The ever straightforward Aimee. Sandali akong napatitig sa kanya habang pinoproseso sa isip ko ang mahabang sinabi niya.


"What do you suggest we should do?"


"So you're acknowledging that there's really awkwardness between us."


I almost scoff, "It's so obvious and denying it won't just make sense."


"Then be seated first." Iminuwestra niya ang bench, "I'm not comfortable talking while standing."


Gusto kong tumanggi at sabihing hindi naman magtatagal ang usapang 'to pero tingin ko dadagdagan lang no'n ang tension sa pagitan namin kaya naman ginawa ko na lang ang sinabi niya. Lumapit ako para umupo sa kabilang dulo ng bench habang siya ay gumilid at naupo na rin sa kabilang dulo no'n. Pareho kaming nakaharap ngayon sa mga puno habang nasa pagitan namin ang mga bag namin.


Tumikhim ako, nag-iisip ng masasabi pero wala akong mapiga. Sa huli ay hinintay ko na lang siyang maunang magsalita. But it took her a minute to do so, at nang magsalita siya, malayo ang sinabi niya sa inaasahan kong maririnig muna sa kanya.


"It's been so long since I last went here pero halos walang nabago sa paligid."


Napalingon ako sa kanya at mula sa pagtingin sa mga puno't halaman ay sinalubong niya ang tingin ko. There's a faint smile on her lips na sigurado akong genuine na ngiti. "It's a shame na kung meron mang nag-iba dito, tayong dalawa lang iyon."

Wayward LoveWhere stories live. Discover now