Wayward Love 38

53 8 27
                                    


Caile Christian Lajara


7 in the morning and I am already heading to the room where the first subject for today will take place. Wala namang klase pero may orientation regarding the upcoming internship. 7:30 am pa iyon sa totoo lang pero maaga akong binulabog ni Quinsiel na agahan ko raw ng kaunti ang pasok dahil hindi niya maintindihan ang face validation process na isa sa post thesis requirement. Dahil doon ay napilitan akong kumilos ng maaga para tulungan niya.


But 10 minutes ago tinawagan niya ako uli para sabihing hindi na niya kailangan ng tulong at hindi na niya ako mamimeet dahil may aasikasuhin siya bigla. Nang mga oras na iyon ay nasa byahe na ako papasok kaya kahit naiinis ay wala akong nagawa kung hindi ang tumuloy na lang sa pagpasok.


At ngayon nga ay nandito na ako. Dahil sobrang aga pa, halos ako lang ang naglalakad sa hallway ng department namin. Kahit ang ibang classroom na nadadaanan ko ay iilan pa lang ang students habang ang karamihan ay sarado pa.


Damn Quinsiel.


Inaasahan kong ako ang mauuna sa classroom pero paghinto ko sa harap no'n ay may tao na sa loob, nakaupo siya sa pinakadulong upuan sa tabi ng bintana at sadyang nakatalikod mula sa pwesto ng pinto kung nasaan ako ngayon.


Likod at buhok pa lang pero nakilala ko nang si Quinsiel iyon. Sandaling kumunot ang noo ko kasabay ng tahimik na pagpasok sa loob ng classroom.


Akala ko may aasikasuhin siya? What is she doing here then?


Hindi ko na pinansin at pumunta sa upuan ko. Pero ilang hakbang pa lamang ay narinig ko siyang nagsalita nang mahina pero dahil tahimik ang paligid ay malinaw at buong buo kong narinig.


"What will I do with these pictures, Aimee?" My feet automatically stop upon hearing the name she has mentioned. Napalingon din uli ako sa kanya kahit likod lang niya ang nakikita ko. "—These pictures of Caile and the girl that night. I know it's more than two weeks na pero hindi mo naman ata kakalimutan ang bagay na ikaw mismo ang nagpagawa, di'ba?" Tuluyan na akong napako sa kinatatayuan nang marinig ko rin ang sariling pangalan. Kusang kumunot lalo ang noo ko habang pilit iniintindi ang narinig na sinabi niya. "—Yes those pictures. To be honest, I'm scared that this thing is in my possession kasi who knows, you might betray me and use these pictures against me. You're manipulative and we both know it. So tell me, Aimee, anong gagawin ko sa mga 'to? – W-What? You don't m-mean that. Hey Aimee, look, I may be a bitch but I can't do that! You sounded absurd! Hindi ko kayang ipakita kay Nia ang mga 'to para lang magalit siya kay Caile. Listen, I may be jealous of Nia because she has Caile pero wala siyang ginagawang masama sa'kin para gawin ko ang ganito kasama sa kanya. In fact, ang bait bait nga niya, sobrang bait niya sa'kin na mas lalo ko siyang kinaiinis dahil ni hindi man lang siya maasar sa'kin—" Lahat ng narinig ko ay biglang umakyat sa ulo ko at halos magdilim ang paningin ko habang nakatingin sa likod ng babae. Hindi ko alam kung paano kong nagawang maglakad ng mabilis palapit sa kanya nang walang nagagawang kahit anong ingay. "What do you mean you don't care? Hah. Hahaha. I should have expected you to be this evil. Hah. This is my fault; I shouldn't have let you control my judgment. Hah. You're a devil personi—AHH!"


Matinis siyang napatili at napatayo saka mabilis na humarap sa akin nang basta kong hablutin ang phone na hawak hawak niya sa tainga. Tiim bagang ko siyang tiningnan at nakita ko ang panlalaki ng mga mata niya at biglang pamumutla habang nakatingin din sa akin.

Wayward LoveWhere stories live. Discover now