Wayward Love 29

41 8 6
                                    


Caile Christian Lajara


"Water." Alok ko kay Aimee. Tinignan niya iyon saka inabot bago ibalik ang paningin sa nangyayari sa harap.


Tumabi naman ako sa kanya at naupo din sa inuupuan niyang stoned bench dahil may space pa naman. Pinanood ko rin ang nangyayari sa harap. Kliox, Morris, with three of our groupmates and some students from Visual Comm are all under the scorching sun while filming a scene. Hindi naman kami kukunan ni Aimee ngayong araw pero nandito pa rin kami para manood at para na rin tumulong kung may maitutulong. Linggo naman ngayon at walang pasok.


"Hoy kayong dalawa." Sabay kaming napalingon ni Aimee kay Fei na tumayo sa tabi niya. Salit-salitan naman kaming tiningnan nito. "Ba't tumakas kayo sa rehearsals noong nakaraang araw? Saan kayo nagpractice na dalawa?" Nakataas ang kilay pero bahagyang nakangisi na tanong niya.


"Kaming dalawa?" takang tanong ko na sandaling napatingin kay Aimee, nang tignan niya ako ay tinanong ko siya. "Hindi ka bumalik?"


Maliit siyang umiling saka binalingan uli ng tingin si Fei. "I texted Morris that day, I said my reason."


"Ikaw?" Biglang baling ni Fei sa'kin.


"May inasikaso ako sa major subject ko." Palusot ko. Iyon din ang sinabi ko kay Morris noong gabi na i-message ko siya para magpaliwanag.


"Ah, so hindi kayo magkasama?" Napaiwas siya ng tingin at parang may tinanaw mula sa malayo. "Lukaret na Quinsiel 'yon, kung anu-anong pinasok sa isip ko."


"Why? What did she say?" Maagap na tanong ni Aimee.


"Wala naman, sabi lang niya baka magkasama kayong dalawa and na ang cute niyong tingnan na dalawa. Ewan ko doon, kung anu-anong nakikita." Tumatawang sagot niya. "Doon muna ako kina Morris, bye!" 


Kung gaano siya kabilis na lumitaw sa tabi namin ay gano'n din siya kabilis na umalis. Pagkaalis niya ay gusto ko sanang tanungin si Aimee kung bakit hindi na rin siya bumalik pero hindi na lang dahil baka itanong niya rin kung anong dahilan ko, hindi ako makakasagot nang hindi nagsisinungaling.


Napaisip lang naman ako doon sa sinabi ni Josh eh. Hindi na ako bumalik dahil gusto kong pag-isipan ang napansin niya and after thinking about it, I came into conclusion na baka na-misinterpret niya lang ako. 


Maybe I was feeling good that day because I have enough sleep and it reflected on me, especially in my eyes. Inisip ko kasi talaga kung anong nararamdaman ko nang araw na 'yon at wala namang kakaiba maliban sa magaan ang pakiramdam ko, kaya baka iyon lang 'yon. Some say that eyes are the mirror of our emotion so if I was happy that day, it would automatically reflect on my eyes. 


That's how I shrugged it off my mind. 


Pagkatanghalian ay nagkanya kanya kaming lunch. Sina Kliox ay mabilis na break lang ang gagawin kaya doon na lang sila sa Cafeteria. Ang iba ay sa labas ng school. Hindi ako sumabay sa iba at nagdecide na sa mall pumunta, I'm craving for ramen at sa mall lang meron no'n.

Wayward LoveWhere stories live. Discover now