Wayward Love 35

69 7 6
                                    


Aimee Farrelle Viero


The moment with Megan ended when his boyfriend called her. Hinahanap na siya nito kaya we decided to part ways. Dahil sinamahan ako ni Meg, mas bumilis ang oras at umiksi ang paghihintay ko. At 5:30 pm ay nagdecide akong pumunta na sa auditorium kung saan gaganapin ang event.


Maraming tao pagpasok ko sa loob. Less than 30 minutes before the event and halos puno na ang buong lugar. Hinanap ko ang seat ko, C-29 ang nakalagay sa ticket and I saw it near in front, third row from where the stage is, nasa center iyon at nasa tabi ng isang bata.


Yeah, ang seat ko ay nasa pagitan ng aisle at ng isang bata na nakaupo sa upuang nasa tabi ng sa akin. Sandali ko lang siyang napagtuunan ng pansin at nang umupo ako ay itinuon ko na ang paningin sa harap.


Tahimik at nababagot kong hinintay na magsimula ang competition. Habang lumilipas ang minuto ay mas paingay nang paingay ang paligid, ibig sabihin mas napupuno ng tao ang audi.


So big deal ang event na 'to para mapuno ng ganito ang auditorium? 


Isang beses kong pinagkaabalahang ilibot ang paningin ko para tingnan kung gaano ka-puno ang lugar at natapos ang tingin ko na 'yon sa batang nasa tabi ko, na nakatingin na sa akin bago pa bumagsak sa kanya ang paningin ko.


Napataas ang isang kilay ko dahil pamilyar siya.


"Mave?" Takang tawag ko at biglang nagliwanag ang mukha niya at ngumiti.


"I knew it! You're the pretty girl last time."


Dahil malaki ang upuan para maliit na tulad niya ay umusog siya sa pinakagilid no'n para makalapit sa'kin. Ang kasama niya sa tabi niya ay biglang napalingon sa kanya at sinaway siya.


"Huwag kang malikot, Marriot." Napatingin ako sa kanya at agad nagkaideya na yaya niya ang kasama niya base sa uniform nito. Napatingin din sa'kin ang babae na mukhang nasa late 30s. "Hehehe, pasensiya, ma'am." At binalingan niya uli ang bata. "Sit properly, mag-uumpisa na mamaya si kuya mo."


"I know her, yaya. She's kuya's friend." Sagot ni Mave rito na itinuro pa ako, sunod ay humarap siya sa'kin. "Are you here to watch too?"


Tumango ako at maliit na ngumiti sa kanya. "Obviously."


"... kuya?" Dugtong niya. "You'll gonna watch kuya too? Because I'm here to watch him."


"Ah, yeah, your kuya." Litong sagot ko. Pero tama naman, I'm here because of his brother's invitation kaya kung may ipinunta man ako rito, si Morris iyon.


"Oh, why?" Maagap niyang tanong, parang interesado na akala mo sa ganyang edad eh marami nang nalalaman.


"What why?"


"Why will you watch him?"

Wayward LoveWhere stories live. Discover now