Backstory part I

231 12 2
                                    


l 4th year highschool l


Fiona Innaia's POV


1st week of March, in less than 3 weeks ay iiwan ko na ang Amethyst High na apat na taon ko ring naging second home.


Since I'm a graduating student, unang linggo palang ng buwan ay free na ako. Tapos na lahat ng graduation requirements namin ngayon at finafinalize na ang final grades namin. Pumapasok nalang ako for attendance at para sa mga announcement and notice regarding graduation.


Naglalalakad kami sa hallway ng mga friends ko nang bigla silang tumigil at gumilid, dahil nakakapit ako sa braso ni Angel ay automatic na napaatras ako nang gumilid sila.


"Good morning, sir."-sabay sabay nilang bati at dahil doon ay napalingon ako sa papadaan sa hallway.


The Amethyst High's administrator/president. 


Nginitian niya ang mga kaibigan ko, na ginagawa naman niya sa lahat ng bumabati sa kanya. Nginitian ko siya ng malaki nang mapatingin siya sa'kin. Pagkalampas ng president ay bumitaw ako sa pagkakahawak kay Angel saka humarap sa kanila.


"Sundan ko lang si dad, mauna na kayong bumaba and message me kung nasaan kayo banda. Okay?"-kinindatan ko sila at wala silang nagawa kung hindi ang mapailing. Mabilis akong nagpaalam saka hinabol ang tatay ko.


I am Fiona Innaia Taverras, the second child of Walter Greg Taverras, the Amethyst High's incumbent president.


Since nasa school kami ay sinabayan ko lang si dad nang mahabol ko siya at hindi kumapit sa braso niya katulad ng madalas kong gawin kapag nasa labas kami. Napalingon siya sa'kin pero patuloy pa rin siya sa paglakad. May iba pang students na ang bumati sa kanya nang madaanan niya.


"Oh, kasama mo lang ang friends mo awhile ago ah?"


Ngumiti ako ng malaki sa kanya. "I heard this morning na papunta ka sa Thelistine High to talk with their director?"


Tumango siya. "Hmm, yes. What about it?"


"Sama ako, dad."


His forehead formed a crease. "Wala ka bang class? Bakit ka sasama? You don't have any business there. At kasama ko ang kuya mo."


Tumango ako. "That's the first reason why I wanted to tag along, sasama si kuya and gusto ko kasama rin ako. Second, I've never been to Thelistine pero gusto kong makarating doon dahil sa mga naririnig kong kwento about the school."-claimants say that Thelistine's inside and out facilities are just the best. Even Amethsyt can't come close, kahit kami ang second best performing school. Gusto kong makita ng personal ang ipinagmamalaki nila, pero wala naman akong chance dahil magkalayo ang Amethyst at Thelistine High. "Third, wala na kaming class. Buong araw lang akong tatambay kasama sina Angel dito sa school kung hindi mo ako isasama."

Wayward LoveWhere stories live. Discover now