Chapter 16 | Stubborn

65 9 0
                                    

Chapter 16 | Stubborn

Pauline Cynthia Zunino’s Point of View

Napadilat ang mata ko nang maramdaman na wala nang nakahawak sa kamay ko. I found the guy touching me on the ground, guards holding him back, and Warner by my side, grabbing my wrists and hiding me behind him.

Naamoy ko ang pabango niya at gusto ko na naman siya yakapin. 

I feel so shitty helpless.

“Dare to touch her again, and you will fucking face me!” Bulyaw ni Warner. Kahit hindi ko nakikita ang mukha niya ay nakaramdam ako ng takot. 

Ngayon ko pa lang siya narinig magmura. I thought si Axel lang ang mahilig sa ganoong salita, it turns out he had it in him.

Humigpit ang hawak niya sa’kin habang ako naman ay nakayuko lang, pinagmamasdan ang kamay niya na malambot ang hawak sa’kin kahit galit na galit siya.

Hinigit niya ako pabalik sa sasakyan. He shut the door with impact to the point that I expected the glass to suddenly break or have a crack or something.

“Mr. Warner, ano ang gagawin ko sakanila?” Tanong nang guard na kanina lang ay hawak-hawak ang lalaking humawak sa’kin.

“Put them in jail and make sure they stay there, no matter what.” Sumakay na siya sa driver’s seat at mabilis na ini-start ang sasakyan.

I was quiet the whole time. Hindi ko alam ang dapat sabihin at wala din akong lakas na mag-salita pa.

Those disgusting and horrible touches… Pinikit ko ang mata ko pero hindi mawala sa utak ko ang image ng lalaki kanina at nang lalaki eleven years ago. They’re scary… Humans are so shitty scary…

“I will never bring you to any site again!” Galit na singhal niya habang nagda-drive, his jaw clenched while his hair is in a mess. Iyong tinupi kong sleeves kanina ay magulo na din.

Hinawakan ko ang bracelet ko at pinakiramdaman ang malamig na metal sa balat ko. 

“I’m sorry.” I mumbled.

If I haven’t push my idea of coming to his work when he clearly told me not to, this will not happen. Hindi ko na maaalala pa bigla iyon. 

Ang sabi pa naman niya sa’kin kanina ay responsibilidad niya ako. Raine clearly told him that just because of what happened last time we went on a site. 

Natahimik kami hanggang sa makarating kami sa bahay niya. He still opened the door for me and touched my wrists gently even if I clearly saw his jaw still clenched hard. 

A guard greeted us. “Sir, pasensya na, nagpumilit siya pumasok, sabi ko ay hindi pwede—“

Warner’s perfect brows furrowed. “Who?” 

“Ang ama niyo po.” Yumuko ang guard, para bang natatakot sa magiging reaksyon ni Warner.

Nanlaki ang mata ko at napaangat ang tingin sakanya. He ran his free hand through his head, as if he’s so frustrated on what’s happening. 

Sinong ama? Ang biological o ‘yong adoptive? 

“Great.” He whispered, obviously sarcastic, and then there I know that it’s his biological father.

He’s so frustrated right now that I don’t want to leave his side. Lalo na ngayon ay nand'yan ang tatay niya na pinaguusapan lang namin kagabi. He obviously hates his biological father like I did on my father.

I want to be with him if he meets him again. I’m sure it would be a nightmare and he needs someone by his side. 

“Manang, pakisamahan muna si Pauline sa kwarto ko. Keep her away from us,” utos niya kay Manang bago sumulyap sa’kin.

The Girl Who Hides MagicWhere stories live. Discover now