Chapter 6 | No Freaking Way

152 19 8
                                    

Chapter 6 | No Freaking Way

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako ngayon o maiinis sa sitwasyon ko. Sure, mawawala na ang boredom dahil pinapayagan na ulit ako ni Raine na bumalik sa trabaho, pero ang in-e-expect ko kasi ay pauuwiin na nila ako sa Bleanriths.

Three consecutive days of failed mental evaluation with Doctor Watson and three consecutive days of boredom made me think I can go back to our world.

I guess I was wrong.

Bumungad na naman sa'kin ang maraming tingin ng humans sa pagpasok ko sa company. Hindi ko kasabay si Cyran dahil nandoon pa siya at kinakausap si Raine, binibilinan, dahil aalis na si Raine sa bahay ngayong araw at kaming dalawa lang ulit ni Cy ang maiiwan.

"May gana pa siyang pumasok." I heard a girl say loudly, looking at me with those judgmental eyes.

Parang sinilaban ang ulo ko, dahil kaagad akong nanggigil. I clenched my teeth and looked down at my hands where an envelope sits.

Calm down, Pauline. Don't mind them. Calm down calm down calm down.

"Kung ako d'yan hindi na ako pumasok, mapapahiya lang ang university ko."

"Oo nga, nako, panigurado tanggal na agad 'yan."

"Sabi sa inyo hindi 'yan magtatagal ng dalawang linggo eh."

Their voice seems to get louder in my head. Pumikit ako nang mariin at hinawakan ang bracelet para kahit papano ay makaramdam ng comfort ng metal, pero hindi pa rin maalis ang atensyon ko sa mga naririnig.

"Pathetic kid, nakakaawa siya."

Stop it.

"What a loser, akala ko magaling dahil mataas na posisyon ang nakuha."

I will crush you all with a huge chunk of metal so stop it. Stop it stop it.

Calm yourself down, Pauline.

Nasaan na ba si Cyran? Ang sabi niya saglit lang siya kakausapin ni Raine. Where is he? I need him so I can get out of this room. I need to stop their eyes gazing at me. Nagagalit ako, gusto ko sila saktan lahat para matigil lang ang mga matang nakatitig sa'kin.

I clenched my fist as I felt the metals around.

Wow. It would be easy to control all of it and bring it all down to these pathetic and petty humans.

"Lower your eyes down!"

Napamulat ako at nagulat nang makita si Warner na nasa gilid. He was standing with an aura of confidence and power all around him. He seems so beautiful even if he's so angry. 

He's wearing a silk gray suit that matches his charcoal eyes.

"You all call yourselves professional but you bully a kid who is far more professional than all of you combined." Matigas at malamig ang boses ni Warner habang nililibot ang mata sa mga office workers na kanina lang ay maraming sinasabi tungkol sa akin.

My heart is beating so fast and I don't know what to do. Gusto ko sabihan si Warner na kaya ko ang sarili at hindi na niya kailangan mag-step in pero gusto kong umalis na lang din dito dahil nagsisimula na 'kong makaramdam ng hiya.

Now they're gonna talk more about me because of what Warner did.

"Let's go." Warner glanced at me and I followed him towards the elevator.

"You called me a kid," sabi ko habang kaming dalawa na lang ang nasa elevator.

Nginisian niya ako, 'yong ngisi na nagpapakita ng dimple niya. "A thank you would be nice."

The Girl Who Hides MagicWhere stories live. Discover now