Chapter 1 | Pilot

593 75 254
                                    

Pauline Cynthia Zunino's Point of View

Bleanriths is one of the 'dimensions' that surrounds Earth. Halos parehas lang naman ang dalawa. Well, of course, aside from the fact that the citizens of Bleanriths are more powerful than those petty and pathetic humans of Earth.

We have magic and abilities.

We have power.

Maraming 'dimensions' ang tinuturo sa'min sa university: Eragon, the dimensions of the unique dragons; Vevil, the dimensions of the elves; Namhyr, the dimensions of the giant hyraxes; Brommera, the dimensions of the dark magic-holders; name it all, lahat 'yan pinag-aaralan namin.

I don't see the point of understanding and studying all those dimensions, but they said it is important, especially that Bleanriths is one of the leading dimensions.

In short, we're powerful and we need to have knowledge about the less fortunate.
Due to our dimensions' education system, aalis kami ngayon para pag-aralan ang Earth. It is where those powerless humans live. At kung papipiliin ako, mas gugustuhin ko pang pumunta sa Vevil o Brommera, kahit nakakatakot ang mga naninirahan doon, kaysa sa Earth.

I loathe that place.

"Siguro dapat mong iwan na lang ang bracelet mo," ani Mommy bago sumulyap sa palapulsuhan ko.

I looked at her, horrified. "Kahit iwanan  ko 'to, Mommy, kaya ko pa ring gamitin ang power ko. Earth is like, full of metals," I reasoned.

Nanliit ang mga mata ni Mommy, binibigyan ako ng mapanuring tingin. "Siguraduhin mo lang na hindi ka gagawa ng kalokohan. 'Pag ikaw hindi naka-graduate, sinasabi ko sa'yo Pauline Cynthia..." she trailed.

Umiling-iling ako at hinayaan siyang magpatuloy sa pagsesermon at pangangaral sa'kin.

Hindi naman ako malokong student. I'm actually one of the best, brightest and the nicest. Sadly, my friends weren't. Nadadamay lang ako tuwing may ginagawa sila.

Kagabi pa 'ko nag-dra-drama kay Mommy tungkol sa pag-alis ko rito, pinipilit na pilitin niya ang school na ibang requirement na lang ang ipagawa sa'kin.

Of course, alam kong hindi pwede; kahit pa ba mataas ang posisyon ni Mommy sa Ministry, panigurado'y maku-kuwestiyon kami.

Sunod-sunod na bati ang bumungad sa'kin nang dumating na ang service namin papunta sa Earth. It's a black, huge van with tinted windows. It was a bit disappointing since I was expecting something grand like a fancy bus or something.

"Bakit kayo ang nandito?" I asked, my forehead is in a knot, while I took the seat at the back just beside my best friend, Cyran.

Lumingon si Xavier sa'kin mula sa unahan at umarte. "Ayaw mo ba kaming makasama?"

Inirapan ko si Xavier dahil sa kaartehan niya. "I'm just wondering kung bakit tayo lang nandito. I'm expecting great numbers of buses filled with graduating students; instead, I got a van full of Highest Rankers."

Highest Rankers ang tawag sa mga advanced students na kagaya namin. We don't just excel academically but we excel on controlling and using our powers, too. Maraming privilege ang Highest Rankers, one of which was our very own library, study area, and televisions.

Ganoon ang ginagamit ng system ng Bleanriths University dahil naniniwala sila na mas ma-mo-motivate mag-aral ang mga students kapag may privileges na makukuha.

It's a bit discriminatory, but I must say, it's effective.

"Kanina ko pa rin tinatanong 'yan kaso wala talaga 'kong nakukuhang matinong sagot." Sara turned as she rolled her eyes.

The Girl Who Hides MagicWhere stories live. Discover now