CHAPTER 62

30.7K 1.2K 1.2K
                                    

★☆★

Zell's POV

---

Hinawakan ko ang pisngi kong katatanggap pa lang ng isang sampal. I sighed heavily and looked at my mother. Si Mama.

"Ilang ulit na naming sinabi sa'yo na umuwi ka na rito! Pero bingi-bingihan pa rin, Stawnzell? Ilang linggong hindi ka namin mahagilap!"

"I'm sorry. May mga importanteng bagay lang akong ginawa," mahinang sabi ko.

"Ang sabihin mo, inuna mo lang talaga ang ibang tao! Inuna mo 'yong mga kaibigan mo imbes na ang sinabi namin! Gaano ba kahirap iyon, ha?!"

Huminga ulit ako ng malalim, pinapakalma ang sarili. Nasa likod niya si Papa. Si Lolo ay naroroon din. Si Mommy at Daddy ay nakikinig lang din. I scoffed.

"Malaki na ho ako, Ma," seryosong sabi ko.

Lahat sila napatingin sa'kin. Ngayong araw lang ako nakauwi matapos ang lahat ng nangyari. Kararating ko lang galing sa Davao at kina Yumie. Ang dami kong iniisip at heto pa ang bubungad sa'kin. So nice.

"What are you trying to say? Na hindi mo na kami susundin dahil malaki ka na?" Si Lolo.

Here we go again! Pagtutulungan na naman nila ako. Paulit-ulit. Nakakapagod.

"Na hindi niyo na dapat ako pinipilit sa mga bagay na hindi ko gusto dahil malaki na ako."

Kumunot ang noo ni Mama. Si Papa ay tumalikod at parang pinipigilan lang ang sarili.

"Ano? Hindi mo gusto rito?" Si Mama.

Who wants to stay in this house when it doesn't feel like home?

"Delikado nga ang kalagayan mo dahil nasa paligid lang ang mga tauhan ng mga Garde! Your sister hasn't found yet!" Lolo said frustratingly. "Kaya magtipon-tipon dapat tayo!"

"Mas delikado ho kung mas lalo tayong magtitipon-tipon."

"Bobo ka ba, Stawnzell?" Asik ni Lolo.

Napayuko ako. I feel like I'm very immune with their words for me. Hindi na talaga ako nagugulat na gano'n silang magsalita sa akin. Sanay na sanay na ako.

"Hindi pa natin nahahanap ang Ate mo... dadagdag ka pa sa problema?" Si Papa. Napatingin naman ako sa kaniya.

"At saan ka ba nanggaling? Ilang subjects na ang absent mo! Kung magpapatuloy ito, babagsak ka! Nagrereklamo ang mga professors mo!" Si Lolo. "You are failing, Stawnzell. Ano ba itong ginagawa mo sa buhay mo?"

Royalties in Our Hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon