CHAPTER 55

32K 1.2K 911
                                    

♡♡♡

Axiesse's POV

---

"Where's your sister?" Salubong ko agad sa kaniya.

Malakas at malamig na hangin ang bumabangga sa katawan ko. I can hear the wind and I can see the trees and leaves swaying. Sinikop ko ang aking buhok at napatingin sa dagat.

"Paparating na po siya, Ate," aniya.

"What's your name?"

"I'm Nazel."

Binalik ko ang tingin sa kaniya at tumango. She's wearing a blue fitted short shorts and white bra only. Nakalugay at basa ang itim at mahabang buhok, morena at medyo namumula ang kaniyang balat. Meanwhile, I'm wearing a light brown shirtwaist dress, paired with a black ankle boots at bitbit ko ang aking medyo maliit na bag.

Rinig ko ang malalakas na mga alon. My eyes darted and remained at the sun. It's so beautiful, it's like seducing my eyes by saying goodbye and I don't want to tear my sight off it. I surveyed the place and it looks so good. Ngayon lang ako nakapunta rito at masasabi kong ibang-iba ito sa lugar na nakasanayan ko. Everything in this place is so relaxing and refreshing but I am not here for that. I'm here for a business.

Kararating ko lang dito sa Mindanao at kaunti lang ang dala kong mga damit. It was a rush decision I made to get here. Medyo pagod pa nga ako sa biyahe.

"Nandyan na si Ate... Sige aalis na ako," ani Nazel at mabilis na nagpunta sa dagat.

"Lela," sabi ko nang makarating na siya sa harap ko.

We hugged each other shortly before she bowed a bit in front of me and handed me the envelope.

"Nand'yan na ang lahat. Pasensiya na kung natagalan akong bumalik kahit sinabi kong bibisita lang ako sa Pamilya ko."

"It's okay."

"I've heard a lot about what happened to you in the past months. I'm so sorry."

"Don't be sorry," sagot ko at binuksan ang envelope. When I saw the papers, binalik ko agad iyon sa loob at tipid na nginitian si Lela.

Lela was with me when I came back here in the Philippines. She was also with me when I was still outside of the country. My Family knows her for years. Alam kong mapagkakatiwalaan naman ang isang 'to.

"Salamat dito. Malaking tulong ito." Patungkol ko sa envelope na binigay niya.

"That's nothing compared to all the help that your Family gave me. Speaking of your Family... kamusta naman sila?"

"Still the same..." I trailed off and sighed. "Hiding."

Natawa siya ng mahina.

"Hiding behind the steel and green," dagdag ko at hindi na nagsalita.

Pagod ang katawan ko sa ilang oras na biyahe kaya medyo wala na akong lakas sa pakikipag-usap kanino man. Kaya nang nag-aya si Lela na kumain muna sa restaurant ay para akong nagising. She knows me so she ordered many foods for me. Alam kong hindi naman siya gaano karami kung kumain kaya sigurado akong para sa akin ang maraming pagkain na iyon.

Royalties in Our Hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon