CHAPTER 5

49.3K 2K 910
                                    

•°•

Naeyumie's POV

---

"WHAAAAAT?"

Sa laglag kong panga at sa mabilis na hininga, binungad ako ng isang balita. Si Cherwin naman sa gilid ko ay tumango tango. Napatingin ako sa kanya na hindi makapaniwala.

Hindi pa ako nakaka get over sa pagkikita namin ni Cherwin. Halos sabunutan niya ako kanina nang makita ako. Tumili tili pa siya na halos ikabasag ng taenga ko at baso rito sa canteen.

Nakapalibot kaming lima sa lamesa habang tutok na tutok ang mga mata kay Axiesse. I don't know if I should call it a good news or bad news. Ang alam ko lang ay kinakabahan ako na kinikilig.

Ininom ko ang biniling milkshake at inikot ikot ang straw sa loob ng plastic na lalagyan. I stared at it for a couple of seconds before lifted my sight to my friend. She looks so problematic.

"Totoo?" Tanong ko pa.

"Totoo nga!" Si Sasha.

"Why? In love pa ba siya kay Axiesse?" Tanong ko ulit.

Napabuntong hininga si Zell at nag-iwas ng tingin. Napanguso ako habang hinihintay ang mga sagot sa kanila kaso wala atang dadating.

Si Sasha at Zell ay alam din ang bagay na 'to. Axiesse was crowned as a Campus Queen...until today. Kung nandito lang sana kami noong nagdaang taon ay alam namin pero wala e. We were far from this news. Ang ipinagtataka ko lang ay bakit hindi ko nalaman through Social Medias dahil mabilis namang kumalat ang balita roon. Parang kung pumasok ka lang ng Sky Hexton ay malalaman mo ang pagiging Campus Queen niya. Sa labas ng paaralan, wala na.

"Grabe..." Bulong ko.

Kinakagat kagat ni Axiesse ang kanyang kuko habang ang mga mata ay nasa mesa lang, parang sing lalim ng karagatan ang iniisip.

"I-I don't know..." Si Cherwin. "Kung in love pa siya kay Axiesse, bakit may Jaselle Londress na?"

Natahimik kami roon.

"Siguro hindi na..." Si Axiesse sabay angat ng tingin at ngiti ng matipid.

"H'wag na nating pag-usapan 'yan. Ang pag-usapan natin ay kung ano ang nangyari at bakit kayo nawala!" Si Cherwin na parang pinapagaan ang ihip ng hangin.

Mahina akong natawa.

"Nagmadali kasi ang mga magulang ko noon na makaalis ng bansa...uh..you know, business. May kailangan silang habulin..." Pagsisinungaling ko.

Well the truth is, nagmamadali sila dahil sa takot. They were so afraid for me. For us. For our safety at alam kong ganon din ang gagawin ng ibang mga magulang kung sakali.

"Eh bakit hindi kayo nakipag communicate noon? Jusko! Nagkagulo rito noon noong wala kayong dalawa!" Nanlalaking matang aniya.

Napatingin ako kay Zell at Sasha. Nagkatinginan din kaming tatlo bago sila nag-iwas ng tingin. Paniguradong alam nila ang lahat ng ito. Kung ano man ang dahilan kung bakit hindi pa nila sinasabi ay naiintindihan ko. Kakikita pa lang namin. Marami pa kaming dapat pag-usapan. Sa mga nangyari noon na pwedeng i-ugnay ngayon sa mission...pero may parte sa'kin ang bumubulong na hindi na kailangan pang halungkatin kung ano man ang nangyari. Tapos na. Nakabalik na kami. We should just focus in our mission. Para sa kasalukuyan at hinaharap.

"Nagkagulo?" Si Axiesse.

"Oo!"

"Paanong nagkagulo? Anong nangyari?"

Royalties in Our Hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon