CHAPTER 28

40.7K 1.8K 1K
                                    

♡♡♡

Axiesse's POV

---

Kunot noo kong tiningnan si Sasha nang makapasok na siya rito sa sasakyan. Napatingin ako sa labas ng bintana at nakita si Marx na kaaalis palang habang nasa ilalim ng payong.

I don't want to think that they have something Sasha is not telling us. Are they in a relationship or Marx is just that good to bring Sasha here under his umbrella?

Kasalukuyang pinupunasan ni Yumie ang mga braso niya gamit ang puting towel. Si Zell naman ay medyo basa ang buhok at damit. Ganon din sa'kin. Tumakbo lang kami para makapunta rito sa sasakyan. It's raining heavily and I think this won't stop until evening. Dumidilim din ang paligid dahil sa malakas na ulan. May bagyo siguro.

"My car won't start," sabi ni Zell.

Mas lalong kumunot ang noo ko at napatingin sa kaniya. Pilit niyang pinapaandar ang kaniyang sasakyan pero hindi talaga. On her fourth attempt to start the engine, the car roared in life. I sighed.

Narinig ko ang bulong na pasasalamat ni Yumie dahil sa pag-andar ng sasakyan. Si Zell ay nanatili namang tahimik at nagsimula nang pinatakbo ang sasakyan. Bumaling naman ako kay Sasha na katabi ko rito sa back seat.

"Hinatid ka ni Marx?" Tanong ko sa kaniya kahit na obvious na obvious naman iyon.

"Yes. Mabuti nalang din kaysa magpabasa pa ako sa ulan. Hays!"

"Bakit ka ba natagalan? Mahaba ba ang pinag-usapan niyo, Sasha?" Si Yumie.

"Hindi naman... H-He just asked me if I remembered Lian..."

"Hala lagot!" Tumawa si Yumie.

"Lagot mo riyan! Eh mukhang naniniwala nga sa'king may amnesia ako! Pinaalala nga pa nga niya na si Kimirae raw 'yong kanina na pinagseselosan ko noon!"

"Kimirae? Nandoon siya?" Tanong ko.

Si Kimirae? I remember that girl. Of course, I can't forget her. Para siyang aso noon na humahabol-habol kay Zae. Naalala ko pa noon na nasa hallway silang dalawa ni Zae, she was like begging Zae to love her? At hindi ko ata makakalimutan noong tinanong niya si Zae kung saan daw 'yong babae niya... Sinagot naman ni Zae na wala raw sa Sky Hexton.

Napabuntong hininga ako at ilang sandaling tumingin sa labas ng bintana. Bumaling lang ulit ang tingin kay Sasha nang magsalita siya.

"She's back! Kung kanina ay nakita ko ulit si Lian pagkatapos ng mahabang panahon, si Kimirae rin!" Malakas na sabi ni Sasha.

Umiling iling nalang ako. I'm really starting to get used of her loud voice. At saka isa pa, matagal na rin naman kaming magkaibigan kaya dapat masanay na talaga ako.

"Lian Montev... I remember him. Bakit kanina lang kayo nagkita ulit? Wala na ba siya sa Sky Hexton?" Kuryusong tanong ko kay Sasha.

Tahimik pa rin si Zell at si Yumie naman ay pansin kong tinikom na ang bibig. Medyo madilim na rin ang langit but the post lights on the highway are making the road easy to see despite the heavy rain. Ang lamig lamig na rin kahit nasa pinakamababang lebel na ng aircon ang sasakyan ni Zell.

"Lumipat siya noon. Ang alam ko ay doon siya nag-aral sa New York."

"Oh? Tapos nandito na siya sa Pilipinas?"

"Kaya nga eh. Baka babalik ulit sa Sky Hexton dahil parehas lang naman kaming fourth year college."

Tumango-tango nalang ako. Napatingin ako kay Yumie sa harap nang tumikhim siya.

Royalties in Our Hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon