CHAPTER 34

40.9K 1.7K 1.1K
                                    

★☆★

Zell's POV

---

"Zell... May gustong kumausap sa'yo. Puntahan mo lang sa kusina, okay?"

Bahagyang kumunot ang noo ko habang tinitingnan ang Mommy ni Naeyumie nang sabihin niya iyon.

Tumingin-tingin pa ako sa paligid. Umalis si Yumie at hindi ko alam kung saan pumunta.

Sa huli ay wala akong magawa at sumang-ayon nalang sa sinabi ng Mommy niya. Umalis kaagad si Tita at inasikaso ang iba pang mga bisita nila. May gustong kumausap sa'kin? Sino naman?

I cleared my throat and stood up. Kaonti nalang ang mga bisita. Ang iba ay nakikipagkuwentuhan pa sa Daddy ni Naeyumie at ang iba ay nakikipagkatuwaan pa sa Mommy niya. Where's the celebrant by the way? Kanina pa siya umalis at hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabalik.

Nakakailang baso ng wine na ako pero alam kong hindi pa naman ako lasing. Naglakad ako papunta sa kusina nila Yumie at iniwan sila Axiesse at Sasha sa table. Sasha was yawning when I left but Axiesse? Hindi ko alam kung bakit hindi pa pumuputok ang tiyan niya. Hay naku!

Nang makarating sa kusina ay agad na kumunot ang noo ko. Natigilan ako at napatingin sa kaniya. Why is he here? Alam kong nandito nga siya sa kaarawan ni Yumie pero akala ko umalis na siya kanina.

"Lo..." I said. Lalapitan ko na sana siya para magmano pero sinenyasan niya akong tumigil.

Ano na naman ito?

Sa tuwing pinapatawag niya ako ay sumasakit lang ang ulo ko. Paulit-ulit nalang.

Kalmado siyang nakatayo. Nasa likod niya na ang malaking refrigerator. Hindi ko alam kung ano na naman ito at bakit dito pa sa bahay ni Yumie? Puwede namang bukas nalang o sa labas ng bahay ng kaibigan ko.

"Your Parents want you to go home, now," aniya.

Malalim akong napabuntong hininga. Hanggang kailan ko ba sasabihin na hindi ako uuwi? Hindi muna ako uuwi!

"Napag-usapan no ho natin 'to, Lo..."

"Stawnzell, don't make me force you to go home," seryosong sabi niya.

"Lo, whatever you say... Hindi ho ako uuwi." Hindi muna, dahil may tatapusin pa ako. Pagkatapos ng lahat ng ito ay makikipag-ayos na ako sa Pamilya ko. I am tired thinking that we're not in good terms. Nakakasawa. "I really wanna be independent. Malaki na ho ako."

"Stawnzell, hindi na ba mababago ang isip mo, ha?" Mahina pero may diing aniya.

Napalunok ako at napatingin-tingin sa paligid. Nakakahiya kung maabutan kami na mag-aaway man lang! This isn't our home!

"You'll understand why I am doing this, Lo, eventually. Sasabihin ko sa inyo ang lahat-lahat kung bakit ko ito ginagawa ngayon..."

Kumunot ang noo niya at parang nagtataka sa sinabi ko. He sighed heavily after that, still not convinced after my words.

"Maiitindihan mo rin ako, kami! Kung bakit namin ito ginagawa sa'yo, Stawnzell!"

I looked at him blankly. Gusto kong intindihin pero hindi ko alam kung paano. At hahayaan ko siya sa galit niya kung ayaw kong sumunod sa kanila... Naiintindihan ko ang galit ni Lolo sa'kin sa kadahilanang ayaw kong umuwi.

Royalties in Our Hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon